Sa ikalawang pag-aasawa yayaman (2) | Bandera

Sa ikalawang pag-aasawa yayaman (2)

Joseph Greenfield |September 18,2014
facebook
share this

Sa ikalawang pag-aasawa yayaman (2)

Joseph Greenfield - September 18, 2014 - 04:10 PM

Sulat mula kay  Federico ng Baliwasan,  Zamboanga City
Problema:
1.      Ako po ay isang sundalo at habang nakadestino ako sa Leyte nakapag-asawa ako doon at nabuntis ko siya. Dala ng aking trabaho wala pang isang taon ang baby namin, nadestino ako sa Basilan at iniwan ko muna ang aking mag-ina sa mga nanay nya.

2.      Kaya lang ang masakit sa aking pagbabalik ng minsan nagkaroon ako ng bakasyon ay laking gulat ko ng madatnan ko ang aking mga biyenan silang mag-asawa sa bahay nila, wala na ang misis ko at anak. Ang sabi nila ay sumama ang asawa ko sa dati niyang nobyo at sa Maynila na ninirahan. Sa ngayon po ay balak kong hanapin ang aking mag-iina sa Maynila, hindi rin kasi alam ng mga biyenan ko kung saan sila sa Maynila nakatira.

3.      Makikita ko pa kaya sila at magkakabalikan pa kaya kami? Ano po ang dapat kong gawin, o mas magandang limutin ko na lang ang lumayas kong asawa at mag-asawa na lang ako ng iba?
Umaasa,
Federico ng Zambonga City
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Pisces   ang nagsasabing isang babaing isinilang sa sign na Scorpio ang iyong mapapangasawa, tulad ng nasabi na sa Cartomancy, mayaman ang kanilang pamilya.
 
Numerology:

Ang birth date mong 14 ay nagsasabing kapag nagkapag-asawa ka ng muli sa ikalawang pagkakataon, magreretiro ka na sa pagsusundalo, upang mag-concentrate sa negosyong grocery.  Sa negosyo ito, lalo kayong yayaman ng babaing iyong mapapangasawa na may birth date na 23.

Luscher Color Test:

Lagi kayong gumamit ng kulay na pula, at berde lalo na kapag nagsimula na kayo ng negosyo. Sa ganyang paraan, ang paglago ng kabuhayan at pagyaman ay tuloy-tuloy na mapapasa inyo.

Physiognomy:

Ang bilugang hugis ng iyong mukha ang nagsasabing hindi sa pagsusundalo ka magtatagumpay at magiging maligaya, kundi sa pagnenegosyo. Kaya nga sa sandaling nakapag-asawa ka sa ikalawang beses, wag mo na siyang iiwanan, sa halip, kagaya ng nasabi na magnegosyo kayong dalawa at makikita mo tuloy-tuloy na kayong yayaman at aasenso.

Huling payo at paalala:

Federico, hindi mo na dapat hanapin ang dati mong asawa na lumayas na at sumama sa ibang lalaki, at sa ngayon ay nasa Maynila na. Sa halip ang dapat mong gawin ay maglakbay sa pamamagitan ng sasakyang pandagat, dahil sa iyong paglalakbay mami-meet mo ang babaing nagtataglay ng itinitial na M.C. siya ang ikalawang mapapangasawa mo na habang buhay na magpapaunlad at magpapayaman sa itatayo nyong bagong pamilya na magsisimulang maganap sa susunod na taong 2015 sa edad mong 32 pataas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending