Marian napaiyak sa pamanhikan ng pamilya ni Dingdong: Kakakilig! | Bandera

Marian napaiyak sa pamanhikan ng pamilya ni Dingdong: Kakakilig!

Ervin Santiago |September 19,2014
facebook
share this

Marian napaiyak sa pamanhikan ng pamilya ni Dingdong: Kakakilig!

Ervin Santiago - September 19, 2014 - 03:00 AM

DINGDONG DANTES AT MARIAN RIVERA KASAMA ANG KANILANG PAMILYA

DINGDONG DANTES AT MARIAN RIVERA KASAMA ANG KANILANG PAMILYA

NAMANHIKAN na sina Dingdong Dantes sa pamilya ni Marian Rivera nitong nakaraang Miyerkules. Pormal na ngang hiningi ng Kapuso actor ang kamay ng girlfriend mula sa pamilya nito.

Siyempre, abot-langit ang kaligayahan nina Marian at Dong nang magsama-sama at magsalu-salo sa isang dinner ang kani-kanilang pamilya. Kasabay nito, nagpasalamat din si Dingdong siya sa kanyang parents sa suportang ibinigay ng mga ito sa kanya nang hingin niya ang kamay ni Marian mula sa ina nito.

Bago ito, nag-post na si Marian sa kanyang Instagram account tungkol sa magaganap na pamanhikan, “Pamamanhikan – Ito ang isa sa pinakamahalagang ginagawa ng iyong magiging asawa na kasama ang kanyang pamilya upang hingin ang iyong kamay mula sa iyong mga magulang! Yaaay kinikilig ako mamaya na ito…”

Muling nag-post si Marian kahapon ng umaga sa IG tungkol sa nangyari, “I had tears of joy last night because I felt so valued and blessed. I am so grateful to have my family by my side, to support and love me, unconditionally. To the Dantes family, thank you for making me feel welcome, thank you for the respect, and for showering me with love for over the past 5 years. Thank you Lord for giving me these two beautiful families in my life!” mensahe pa ni YanYan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending