Kiray Celis type maghubad sa men's magazine | Bandera

Kiray Celis type maghubad sa men’s magazine

|February 18,2012
facebook
share this

Kiray Celis type maghubad sa men’s magazine

- February 18, 2012 - 03:50 PM

NAKAKATAWA talaga itong si Kiray Celis! Ha-hahaha! Feeling daw kasi niya ay sexy naman siya kaya kung may mag-o-offer daw sa kanya na mag-pose sa isang men’s magazine ay hindi niya ito tatanggihan.

Ha-hahaha! ‘Yun lang daw talaga ang naging reaksiyon namin sa matapang na statement na ito ng batang komedyante.

Well, hindi naman masama ang mangarap, di ba? Malay nga naman natin kung biglang may duma-ting na offer sa kanya para mag-pose ng sexy, di ba?

“Alam mo, feeling ko talaga ang sexy ko, pero parang sa height ko, hindi ko talaga carry.

Feeling ko lang sexy ako, pero hindi ko naman pinangarap,” chika ni Kiray na kasama sa bagong youth-oriented series ng ABS, ang LUV U na magsisimula na bukas, Feb. 19, ito ang papalit sa Growing Up.

In fairness naman daw, kapag nagtu-two-piece naman daw si Kiray sa beach ay may mga lumalapit naman sa kanyang mga boys, “Sa Boracay ‘pag pumupunta ako du’n, nagtu-two-piece naman ako.

May mga lumalapit naman, mga foreigners, may mga nauto naman ako!” natatawang chika ni Kiray.

Hirit pa nito, “Actually, baligtad ha, ang mga lumalapit talaga sa akin, mga 20s ang age, walang lumalapit sa ‘kin na ka-age ko. Napapansin ko ‘yan.

Naba-blind item ako sa mga 20s. Pinakabata siguro na-link sa akin si Charlie Green at si Iñigo na anak ni Papa Piolo (Pascual).”
Ikaw na Kiray! Ikaw na talaga! Kakaloka!

Anyway, ito ngang LUV U ang papalit sa timeslot ng Growing Up  tuwing Linggo.

Makakasama rito ang ilang graduates ng Goin’ Bulilit, kabilang ang ka-loveteam niyang si Igi Boy Flores, pati na rin sina Miles Ocampo, Angeli Gonzales at CJ Navato. Ipinakikilala rin dito si Marco Gumabao.

Ka-join sa LUV U sina Joy Viado, Smokey Manaloto at Bangs Garcia.

Iikot ang kuwento ng LUV U sa tatlong dalagitang sina Camille (Miles), Whitney (Kiray) at April (Angeli) na lilipat sa Lamberto Uy Villarama University o LUV U upang tapusin ang kanilang pag-aaral sa high school.

Habang nag-aaral, dito na sila mapapasabak sa kung anu-anong problema ng kabataan, kabilang na ang pag-ibig.

Tiyak na maraming mapupulot na aral ang mga kabataan sa show na  ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sundan ang nakakatawa’t kapana-panabik na kwentong high school sa LUV U na magsisimula na sa darating na Linggo pagkatapos ng ASAP Rocks sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending