Vice Ganda nahawa ng ‘SAKIT’ kay Kris; mas masahol pa sa langaw | Bandera

Vice Ganda nahawa ng ‘SAKIT’ kay Kris; mas masahol pa sa langaw

Cristy Fermin |August 02,2014
facebook
share this

Vice Ganda nahawa ng ‘SAKIT’ kay Kris; mas masahol pa sa langaw

Cristy Fermin - August 02, 2014 - 03:00 AM


May kauuwian ang sobrang pagiging maangas ni Vice Ganda. Hindi nag-iisip ang baklitang komedyanteng ito kadalasan bago siya magpakawala nang maaanghang na pananalita.

At wala siyang kadala-dala. Paulit-ulit nang nakakaladkad ang kanyang pangalan sa pagiging taklesa niya, pero paulit-ulit pa rin niyang ginagawa ang ganu’n, ‘yun ba ang malaking impluwensiya sa komedyante ng kanyang BFF na si Kris Aquino?

Naalala pa namin ang pabalang niyang pagsagot nu’n kay dating MTRCB Chairman Consoliza Laguardia, nasundan pa ‘yun ng pambabastos niya sa magaling na news anchor na si Jessica Soho, ngayon ay ang mga kababayan naman nating kapuspalad ang galit na galit sa kanya.

“Wala talagang kadala-dala ang baklang ‘yun! Palagi na lang ba siyang ganyan? Para siyang langaw na natungtong lang sa ibabaw ng kalabaw, pero naging mas matayog pa sa kanyang tinungtungan!

“Ang naturalesa talaga ng tao, e, nakikinis lang kapag kailangan, nae-enhance lang, pero sa kalaunan, ang tunay pa rin niyang ugali ang lulutang at lulutang. Kagaya ni Vice Ganda.

“Natural na kasi siyang mayabang, maangas na siya kahit nu’ng hindi pa siya nagkakapangalan. Marami nang kasamahan niyang stand-up comedian ang iwas na iwas sa kanya dahil masyado nga siyang hambog.

“Bago pa ba naman ang mga pinagsasasabi niya ngayon? Natural, mas yumabang siya kesa sa dati, kasi nga, meron na siyang datung at kilala na siya!” madiing pahayag ng isang source na nakakakilala sa komedyante mula ulo hanggang paa.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending