One on One with Vilma: Gusto ko apong babae! Kukunin ko talaga! | Bandera

One on One with Vilma: Gusto ko apong babae! Kukunin ko talaga!

Julie Bonifacio - May 26, 2014 - 03:00 AM

PINAUNLAKAN sa unang pagkakataon ng Star For All Seasons at Batangas Gov. Vilma Santos ang paanyaya na maging special guest sa morning talk show ni Aling Maliit na The Ryzza Mae Show. Of course, Aling Maliit is none other than Ryzza Mae Dizon, ang child wonder ng Eat Bulaga.”

Gov. Vilma’s guesting sa show ni Aling Maliit will be part of the special birthday episode ng child star sa programa next month. Inilibot ni Gov. Vi si Ryzza sa buong Kapitolyo nang kanyang nasasakupan.

Pagkatapos noon ay dumiretso na sila sa loob ng opisina ng gobernadora kung saan ginanap ang one-on-one interview ni Ryzza sa kanya.

Pagkatapos nang panayam, kami naman ang hinarap ni Ate Vi. Narito ang kabuuan ng aming mainit na panayam sa nag-iisang Star For All Seasons:

BANDERA: Paano nabuo ang guesting niya sa The Ryzza Mae Show?
VILMA SANTOS:  Matagal na (gusto siyang i-guest). In fact. Bago pa ako magbakasyon (sa USA) tumatawag na si Ryzza Mae, ‘yung grupo. Pero sabi ko I cannot accommodate you kasi paalis na ako.

Sabi ko, planuhin na lang natin pagbalik. And then, pagbalik tumawag na sila. Kaya lang hindi raw pwede ng umaga. Sabi ko, hindi rin ako pwede ng hapon, pagod na ako by afternoon.

And then, sabi ninyo nga kung kailan ang availability, gagawan ng paraan. Kasi, excited din ako na mag-guest kasi napapanood ko siya talaga, and (she’s) such a talented young girl.

B: Ano naman ang mga nadiskubre niya kay Ryzza?
VS:  Eto sa totoo lang, ha. Inoobserbahan ko ‘yung bata kanina, syempre may mga guide siya, tama? May mga guide na questionnaire, pero ‘yung sagot ko, sumasagot ng hindi naka-rely doon.

Ibig kong sabihin kasi kapag nag-rely ka sa questions susundan mo lang ‘yung guestionnaires. Siya ‘yung mga sagot ko meron siyang mga sagot. Ang galing nga.

Talented ‘yung bata at ano ‘yan, anumang career ‘yan, may future siya whether showbiz or kung anuman. Marunong ‘yung bata. Sabi ko, ‘yung dunong niyang ‘yan, ‘yung talent niyang ‘yan huwag na hindi niya, ‘yung sa education kasi sayang dahil matalino. Matalino ‘yung bata. Saka may karisma!

B: Ano ‘yung unang kuwento sa kanya ni Ryzza?
VS: Gusto na raw niyang maging gobernador. Kasi habang nagpa-flag ceremony kinukwentuhan ko siya kung ano ang nangyayari. Bulung ako nang bulong, ‘Alam mo ba ‘yan kung ano ‘yan? ‘Yan ang Batangas,’ ah, ganoon-ganoon.

‘Empleyado kami. Kami ‘yung mga nagsisilbi sa bayan kasi binoto kami.’ Pinapaliwanag ko sa kanya. Tapos, ‘di ba may mga kumakanta? Sabi niya, ‘Ang mga Batangueño pala marurunong kumanta.’ ‘Yung mga ganoong adlib niya.

Kaya excited talaga akong mag-guest sa show niya. Kaya lang talagang adjust tayo sa oras. Dito nga natulog, e, sa Batangas. Nagsiguro na para nandoon siya sa flag ceremony. So, which means even the little girl adjusted, ‘di ba?

B:  Nagpadala na ba ng script sa kanya ang Star Cinema para sa next movie na gagawin ulit niya?
VS: Yeah, nagpapasabi sila  pero hindi pa, wala pa ako umo-oo.

B: Ano’ng movie ‘to?
VS: Hmmmm, ‘yung kasama si Lucky (Luis Manzano) at si Angel (Locsin). Baka malabo, e.

B: Ano’ng klase ng next project ang gusto niyang gawin?
VS: The last meeting that I had with Star Cinema family movie rin. Kailangan family movie rin. Sa ngayon kasi sa katayuan ko kailangan din ‘yung ganoong movie, family, wholesome.

B:  ‘Yun ba ‘yung movie with Ai Ai delas Alas?
VS: A, hindi. Kasi ‘yung kay Ai Ai hinihintay ko na magbigay ng script pero wala pa. But I told them kasi hindi rin ako ganoon kadali kung mapipilitan na maghabol sa Metro Manila Film Festival. May trabaho rin ako rito Batangas.

Ah, last term ko na, kung hindi rin lang ako kumportable na kaya ko pang magawa hindi ko susuungin. Kasi time ang kukunin sa akin noon. Kakain ng oras ‘yun. Kaya kung hindi rin lang ‘yung talagang masasabi mo well-prepared at ‘yung gusto mo, hindi.

B:  Sa ngayon, maugong ang usap-usapan na ang susunod sa kanya na magseserbisyo sa Batangas ay ang kanyang panganay na anak na si Luis.
VS:  Alam ninyo na si Lucky nagtrabaho na walang ginamit sa amin ni Eduardo (Edu Manzano). So, meron siyang sariling drive, at sa pagiging isang leader importante ‘yun.

And then secondly, alam din ninyo siguro naman din kung gaano kalaki ang puso ng anak ko. Hindi ba kapag may nagge-guest sa kanya na alam niya na nahirapan, from the heart, magshi-share siya sa abot nang makakaya niya. That’s also important sa isang leader.

Lucky is very determined person, e. Kapag ginusto niya, gusto niya, e. ‘Yung business niya sariling kayod niya ‘yun, e, you know. That’s also very important.

But again, I am not encouraging him na, ‘O, anak tumakbo ka.’ Hindi, e.  Sa kanya manggagaling ‘yan at siya ang magsisilbi. At hindi biro ‘yung ganitong, nakikita ninyo naman siguro ang trabaho ko

B: Pero nakikita ba niya na may hilig talaga si Luis na maging public official?
VS:  Kung may hilig siya palagay ko ‘yung mga traits ng anak ko papasa as a public servant. Pero hindi nga ganoon kadali ‘yun. Kailangan prepared ka pagpasok mo  kasi  pare-pareho kaming galing sa shwobusiness.

Spoiled kami sa showbusiness, e, pampered. Malaki ang sweldo namin, sikat ka. Lahat binibihisan ka, pagkain gusto mo, dito baligtad. Ikaw ang maghahabol, susuyo at iikot ka.

Go kung saan kailangan ang ano, kaya it’s really a sacrifice. Kaya ‘yun ang sinasabi ko sa mga gustong tumakbo, sakripisyo ‘yan.
Nu’ng tinanong ko anak ko, ‘Yes, Mom.

Why not?’ Ang feeling niya, ‘yan na ang kinalakihan ko Mom, e, ‘di ba? ‘And maybe given a chance at sa tingin ko ready na ako, why not?’ ‘Yun lang.

At para i-encourage ko siya na, ‘Sige anak,’ hindi e. Kasi alam ko na hindi madali, alam ko. Kung magse-serbisyo ka nang sinsero? Hindi madali talaga.

Pero very fulfilling kasi kahit  wala na ‘tong mga kamera na ‘to, ‘yun na ang legacy mo, e, ‘yung pinagkatiwalaan ka. Hindi nababayaran ng pera ‘yun na ngayon, pagkatapos ng term ko, labing-walong taon na pala akong public servant? Eighteen years, huh!

B: Totoo ba na mayor ng Lipa ang unang posisyon na susuungin ni Luis sa politika?
VS:   Hindi pa namin napag-usapan. Kung may interes sabi niya, ‘Why not Mom? ‘Yan ang kinalakihan ko.’ Pero hindi namin napapag-usapan. Sabi niya, ah, nu’ng Mother’s Day, ‘In two weeks Mom, babalik ako sa inyo.

I will ask for your help,’ regarding itong issue ng pagtakbo, or politics.  So, nothing is final sa time na ‘to.

B: Ano kaya ang mas priority ni Luis, politika o lovelife? Sabi kasi ni Luis sa isang interbyu, hindi na raw siya bumabata at gusto na rin niyang magkaroon ng sariling pamilya.
VS:  Totoo naman.  Ah, hindi na rin bumabata ang anak ko and, kung ‘yun ang desisyon niya, mas gusto ko kasi sa mga anak ko nagkakaroon ng sariling desisyon.

At kung ‘yun ang magiging desisyon niya sa buhay niya na magkaroon ng family na,  at priority niya ang kanyang personal na buhay, hundred percent akong nakasuporta diyan.

B: At hindi ba, gusto na rin niyang magkaroon ng apo?
VS: Oo naman. Sana babae, (diin niya). Ha-hahaha! Wala akong apo na babae. Kukunin ko ‘yun kapag babae! My God! Baby girl!

B: Kaya ba sobrang naaliw siya kay Ryzza Mae?
VS: Oo, natutuwa ako kay Ryzza. Parang karamihan sa ano namin lalaki, e. Kaya gusto ko babae ang apo ko kay Luis. Kukunin ko talaga sa kanila.

B: Kung gayon, hindi totoo na kinausap niya si Luis na tumakbong Mayor ng Lipa?
VS:  No, no, no. Hindi ako, no, it’s not true na ako ang nage-encourage. Not my decision, (it’s) his decision. Kasi unang-una, alam ko kapag pumasok ka sa politics hindi madali.

Pero kung ‘yun ang calling niya at willing siyang isakripisyo ang career niya, kasi kahit papano masa-sakripisyo. At handa ang puso niya, hindi ako magiging obstacle, hadlang, oo.

Pero hindi ko rin siya ini-encourage. Kung ano ang gusto niya. Diyos ko, ilang taon na ang anak ko?

B:  Bukod sa politika, nagsabi na rin ba sa kanya si Luis na gusto na nitong pakasalan si Angel?
VS: Wala pa kaming ganoong usapan. But then again, si Angel ay hindi iba sa amin. Kaya hindi bago ang tratuhan, ‘yung respect and love na meron, dahil ex naman si Lucky ‘yan noon, e.

So, matagal, din naming nakasama si Angel. Unfortunately, it happened na nag-break sila. But now, they’re back. And syempre, natutuwa kami (kasi), hindi siya bago.

Natutuwa kami na magkasama sila ulit and nakikita ko na ano, e, masaya silang dalawa.  Ang tingin ko sa kanila ngayon parang mas may respeto at mas mahal nila ang isa’t isa.

B: Kinilig din ba siya nu’ng nagbalikan sina Luis at Angel? Sabi nila, love is lovelier the second time around.
VS:  Siguro nga, parang literally tama. I mean, sa nakikita ko lang, ha, because kapag may special occasions or that time nasa bahay kami, nagdi-dinner.

So, parang nakikita ko ‘yun na malayo nu’ng una. Parang ngayon mas nakikita mo ‘yung respect and the love for each other. Masaya sila pareho pero hindi ako nandoon para magtanong, ‘Ano’ng ganyan-ganyan?’ Ha-hahaha!

Mukha akong tsismosa noon.  E, ayoko noon. Syempre, prim and proper pa rin si Mommy. Pero natutuwa ako.

B:  Ano’ng masasabi niya na si Angel lang ang binalikan na girlfriend ni Luis?
VS: Ma at pa! E, sila ang nakakaramdam noon. Ang maganda lang, I guess, sa ngayon, nakikita mo kung gaano kasaya ‘yung anak mo. Kaya nga sinasabi ko kay Gel na, binabanggit ko sa kanya, ‘Thank you for making Lucky happy and thank you for making him lucky. Ha-hahaha!

B:  Ilang taon na pala silang kasal ni Sen. Ralph Recto?
VS: May seven years, plus 20. Magtu-twenty eight years na. Ang kasal namin, bale, magtu-twenty one na pa lang kasi 1992. E, bago kami ikasal, mag-on kami ng seven years.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

So, ang marriage namin ng silver four years from now. Syempre naman, may wedding ulit.

( Photo credit to inquirer news service )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending