Sigaw ng Netizens: Cedric, Zimmer Raz may relasyon | Bandera

Sigaw ng Netizens: Cedric, Zimmer Raz may relasyon

Ambet Nabus |April 29,2014
facebook
share this

Sigaw ng Netizens: Cedric, Zimmer Raz may relasyon

Ambet Nabus - April 29, 2014 - 03:00 AM


NAKAKALOKA talaga itong si Cedric Lee. Aba’y kahit nakaposas na matapos na mahuli ng mga NBI agents at ng PNP na nagdala nga sa kanila from Samar to Manila eh, nakapag-emote pa ito ng tsikang kusa silang sumuko at hindi raw totoong sila’y natimbog.

Ibang klase talaga ang negosyanteng ito, imagine, nakuha pa nitong ngumisi-ngisi kahit nakaposas na kaya sa halip na makakuha ng kahit katiting na simpatya dahil sa pagkakaaresto nila ng isa pang akusado sa mga kasong isinampa ni papa Vhong Navarro e, talagang puro batikos pa ang inabot nito.

Pero mas ikinaloka namin ang social media bashings sa kanila ng kanyang kaibigang si Zimmer Raz, paano naman kasi, kahit na yung “Burberry shirts” na suot nila ay ginawang kunek sa pagiging mag-lovers umano nila.

Ha-hahaha! Na kesyo kailangang humanda na sila sa kulungan dahil tiyak daw na matitikman nila ang “pait” at “kirot” na ipinatitikim sa mga bagong preso! Ha-haha!

For sure, very soon din ay lalabas at mahuhuli na rin si Deniece Cornejo, ang babaeng pinagsimulan ng lahat, pati na rin ang iba pang sangkot sa krimen.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending