Alex inilaglag si Toni: 23 years old pa lang siya lumandi na!!! | Bandera

Alex inilaglag si Toni: 23 years old pa lang siya lumandi na!!!

Reggee Bonoan |April 25,2014
facebook
share this

Alex inilaglag si Toni: 23 years old pa lang siya lumandi na!!!

Reggee Bonoan - April 25, 2014 - 03:00 AM

TONI GONZAGA, BIANCA GONZALEZ, ALEX GONZAGA, JOHN PRATS AT ROBI DOMINGO

Sa grand presscon ng Pinoy Big Brother All In noong Miyerkules ng tanghali ay halos sumakit ang tiyan ng invited entertainment press sa katatawa sa “sagutan” ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga.

Naunang tanungin si Alex tungkol kay Ryan Bang na balitang may crush sa kanya at talagang pursigido ito na ligawan siya, diretso nitong sinabi na ayaw ng ate Toni niya kay Ryan Bang.

Nagulat si Toni kaya sinita agad ang kapatid, “Hoy hindi, pumupunta nga siya sa bahay namin, natatakot na nga siya sa akin.

Hindi ako galit sa kanya.”

Kay Alex daw nagagalit si Toni dahil, “Twenty four years old siya pero ang utak niya ay pang-12.”

Pero humirit si Alex ng, “Actually, right now, it’s 13. Nag-mature na nang kaunti.”

Ginagawa lang daw ni Alex na magpakaisip bata dahil ayaw pa niya ng seryosong relasyon, “The doors are closed,” say ni Alex na sinagot naman ni Toni ng, “Kita mo kung sumagot, walang kuwenta,” na ikinatawa ng lahat.

Oo nga, hindi nga ba boto si Toni kay Ryan? “Friends na lang sila,” kaswal na sabi ng dalaga. “I love Ryan pero cute silang friends na lang. Kasi ‘pag naging mag-boyfriend sila, makikita ko lang sila na laging nag-aaway. I’m sure, lagi silang mag-aaway. Ngayon na nga lang magkaibigan sila, lagi silang nag-aaway,” katwiran ni Toni.

Balitang crush din si Alex ng leading man niyang si Arjo Atayde sa ginagawa nilang serye, “As of now, the doors are closed. I’m looking for someone who can make me laugh but at the same time, can tickle my heart. Can tickle my heart!” tumawang sabi ng dalaga.

Sinabihan ni Toni na umayos ng sagot si Alex, “Umayos ka kasi ng sagot. Siguro, akala niya ang talino niya du’n sa sagot niya.”

Pero nakakaloka si Alex dahil hiniritan niya agad ang ate niya ng, “Huwag ka nang magsalita. Ilang taon na kayo ni Paul (Soriano)? Seven years, so 23 ka pa lang, lumandi ka na!” kaya hagalpakan na naman ang lahat.

Pero may valid reason daw si Toni, “Sorry, hindi ako lumandi, 23 years old is the right age. I was very mature at that time.”

At si Alex daw ay hindi pa rin mature sa edad na 24, “Tingnan mo nga, kung anu-ano ang pinagsasasabi,” say ni Toni.

Samantala, makasaysayan sa history ng Philippine TV ang isinagawang kauna-unahang multi-platform auditions ng PBB All In kung saan libu-libong aspiring housemates ang nag-try.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At first time rin na magkakasama ang mga teenager at may edad na sa Bahay ni Kuya kaya tinawag na PBB All In na magsisimula na sa Linggo, Abril 27 na iho-host naman nina Toni, Bianca Gonzales, Robi Domingo, Alex at John Prats.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending