Kathryn winawasak ng inggiterang supporter, idinamay si Kim Chiu | Bandera

Kathryn winawasak ng inggiterang supporter, idinamay si Kim Chiu

Alex Brosas |April 24,2014
facebook
share this

Kathryn winawasak ng inggiterang supporter, idinamay si Kim Chiu

Alex Brosas - April 24, 2014 - 03:00 AM


Kakaloka, nag-tweet lang ng pasasalamat itong si Kim Chiu sa kanyang Instagram account kasama ng photos niya with her fans na nagbigay ng regalo at nagpasaya sa kanya noong nasa US siya dahil birthday niya  ay nadamay pa si Kathryn Bernardo.

On her Instagram photo, she thanked all her fan groups na nanood ng show niya at bumati sa kanyang kaarawan.
“Super thank you to all the solidkim group, Kimchiuglobal and KGs who went to the show last week at hayward and pasadena!!!?? ????thank you also for the gifts and sa kwentuhan!!:) see u again,” say ni Kim.

One Instagram follower made puri Kim’s gesture na mag-post ng photos kasama ang kanyang kanyang mga fans. Ang kaso, pinatutsadahan pa niya si Kathryn.

“Tularan ka sana ng ibang artista na marunong  magpahalaga sa fans…alam mo yung effort na mapalagay ang mga fans sa IG mo.. Hindi yung mukha lang niya nasa profile niya dapat tularan ka ni KATHRYN alam mo yung effort na bigyan siya ng debut ng mga fans niya tapos di man lang nagpost ng pic sa IG sa twitter lang ano ibig sabihan niya dun? Db? Hmmmmm,” said the Kim fan.

True ba ito, Kathryn? Anyway, sinopla kaagad ng isang maka-Kathryn ang nagmahadera and asked, “@angel22kn kathniel fan ka dba? Hindi naman kailangan mag post si kath kasi alam na ng mga fans kung gaano ka mahal ni Kath yung mga fans niya.”

Siguro ay busy lamang si Kath at sa dami ng kanyang ginagawa ay hindi na nagawang mag-post ng photos kasama ang fans niya. Inintindi na lang sana ng fans ni Kath ang bagay na ‘yon.

Talagang ginawang big deal ng isang follower ni Kim ang hindi pagpo-post ni Kathryn ng photos kasama ang fans niya noong debut niya.

( Photo credit to kathrynbernardofanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending