‘Ang tanda-tanda na ni Kris, gumagaya pa kay Sarah G!’ | Bandera

‘Ang tanda-tanda na ni Kris, gumagaya pa kay Sarah G!’

Jobert Sucaldito |April 23,2014
facebook
share this

‘Ang tanda-tanda na ni Kris, gumagaya pa kay Sarah G!’

Jobert Sucaldito - April 23, 2014 - 03:00 AM


AMININ man natin o hindi, lahat talaga ng ginagawa ni Kris Aquino ay nagiging national issue sa industry natin.
Na-master na talaga ni Kristeta ang pag-iingay sa lahat ng pagkakataon.

Once she wants publicity, the next day she gets it.  Regardless kung favorable sa kaniya o hindi ang issue, definite na pag-uusapan talaga.

“Sa totoo lang, nakakaumay na ang babaeng iyan. Parang kulang talaga sa pansin. Actually, hindi parang…talagang kulang siya sa pansin. Lahat gagawin para hindi mawala sa limelight.

Walang kakuntentuhan sa lahat ng bagay – sa pera, sa trabaho, sa commercials, sa publicity, sa lalaki…saan pa?  “Gusto niya kaniya na lahat. Pati dyowa ng iba ay gusto pang agawin dahil type niya.

The next day ay palalabasin naman ng kampo niya that she is very religious. “Ano ba talaga ang tunay na pagkatao ng babaeng iyan? Religious ba talaga or front lang niya ang pagro-rosary masabi lang na mabuti siyang Kristiyano? Kaloka siya.

Nakakapagod na siya!” talak ng isang writer. After ng Semana Santa, heto na naman si Kris sa bagong drama – nagpagupit ng buhok at me drama pa raw na meron itong pinagdaraanan.

So, marami naman ang nag-speculate na malamang na dahil ito sa paghihiwalay nila ni Mayor Herbert Bautista.Teka lang, umamin ba silang naging sila nga? Kasi paano raw masasabing naghiwalay eh, hindi naman umaming naging magdyowa sila?

“Panibagong echos na naman ni Kris iyan para makakuha na naman ng atensiyon. Puwede siguro siyang nagpagupit lang dahil feel niya dala ng sobrang init or what. Pero may mga drama pa siya o emote na kesyo merong pinagdadaanan or something.

“Nakisabay pa siya kay Sarah Geronimo sa gupitan issue – pero  iba yung kay Sarah, ‘no! Yung sa kaniya ay pagrerebelde dahil sa sobrang kahigpitan ng mga magulang niya sa relasyon nito kay Matteo Guidicelli.

“Understandable iyon. Pero itong kay Kris, puwedeng basta nagpagupit lang. Period. After having two children from two different men, ngayon pa siya magdadrama? Hasus! Tumigil nga siya!” dagdag pa ng kausap natin.

But in fairness, bagay kay Kris ang bagong hair niya – very Anne Hathaway. Mahusay talaga si Jing Monis sa buhok at nakuha niya ang style na babagay kay Kris.

Kaya lang, iyon na nga – marami ang nakasimangot sa bagong drama ni Kris, me nag-comment pa nga na sana hindi na lang ang buhok niya ang pinaputol niya – yung ulo daw sana niya.

Grabe naman ang comment na iyon sa FB. Nangilabot ako. Let’s be kinder naman to Kris please. Wala naman tayong magagawa kung nasa itaas siya dahil panahon nila ngayon, OK? Hay naku!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to krisaquinofanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending