Kris, Herbert naggagamitan lang para sa 2016 elections | Bandera

Kris, Herbert naggagamitan lang para sa 2016 elections

Jobert Sucaldito |March 28,2014
facebook
share this

Kris, Herbert naggagamitan lang para sa 2016 elections

Jobert Sucaldito - March 28, 2014 - 03:00 AM

KRIS AQUINO AT HERBERT BAUTISTA

LEFT and right ang column item sa diumano’y pagiging malapit sa isa’t isa nina Kris Aquino and Quezon City Mayor Herbert Bautista. Nagsimula lang naman daw ito nang ihatid ni Bistek si Tetay sa studio ng ABS-CBN a few days ago.

Galing yata sila somewhere at nagmagandang-loob lang daw naman si Yorme para ihatid ang presidential sister pero nabigyan daw agad ng ibang pakahulugan ng mga nakakita sa kanila together.

“Parang hindi na kayo nasanay kay Kris. Magaling umeksena ang babaeng iyan ever since. Ang gagawin niyan ay sasakyan ang isyu para kuno-kuno ay pag-usapan siya na very attractive to men. Gusto lang siguro niyang pasakitan ang ex-husband na si James Yap na tahimik and very fruitful and lovelife. Lahat na lang ng lalaking nakakasama sa meetings niya or what ay ili-link sa kaniya.

“Pati nga ang pobreng governor ng Bataan ay hindi nakaligtas sa kaniya gayong napaka-imposibleng patulan siya. Kasi nga, nu’ng first day pa lang na lumabas ang isyu dapat sana’y automatic na sasabihin niyang walang katotohanan iyon, kaso iba ang drama niya. Yung pa-hang-hang pa ang sagot para kuno-kuno ay meron silang something. Cheap gimmickry, di ba?” talak ng isang buwisit sa isyu.

“Parehong pinakikinabangan nila ni Mayor Herbert ang tsismis kasi nga malapit na ang kampanyahan for the 2016 polls. Siyempre, habang papalapit nang papalapit ang eleksiyon, nagiging visible sila pareho sa media. Napag-uusapan sila. Malaking mileage iyon sa kanilang political career. Nakalibre sila pareho sa publisidad. Matalino ang mga iyan kaya. Ginagamit lang tayong lahat para makapagpabango sa public,” sabat naman ng isa pang kausap namin.

Kami? Deadma na sa ganitong kaetchosan. Sanay na kami sa salitang sanay. Hayaan ninyo, magkikita kami ni Mayor Herbert Bautista mamayang 5:30 p.m. sa Tropical Garden sa Quezon City Memorial Circle para sa isang event, ang Grand JS Prom. Isa itong free event for everyone sponsored by some of Bistek’s friends na dadaluhan ni Mayor.

Bongga ang palabas na ito – magsasama-sama ang ilang DJs ng ilang FM stations and artists like Paul Salas, Micah dela Cruz, Prima Diva Billy, AJ Tamiza, Le Chazz and ang Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyalang si Michael Pangilinan para haranahin at patawanin silang lahat. Tiyak na tatanungin namin si Mayor Bistek tungkol sa tsismis na ito sa kanila ni Kris at doon natin malalaman kung naggagamitan lang sila.
Humanda siya sa amin mamaya – humanda siya. Magbanta ba talaga? Ha-hahaha! Nag-date lang, national issue na agad. Hasus!!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending