Anne napilitang manampal dahil may ‘BASTOS’ sa bar | Bandera

Anne napilitang manampal dahil may ‘BASTOS’ sa bar

Ervin Santiago |December 03,2013
facebook
share this

Anne napilitang manampal dahil may ‘BASTOS’ sa bar

Ervin Santiago - December 03, 2013 - 03:00 AM


Grabe ang pasabog na balita nitong unang linggo ng Disyembre, ha! As in talk of the town ngayon ang ginawang pananampal ni Anne Curtis sa grupo ni John Lloyd Cruz sa isang bar kamakailan.

Lasing na lasing daw si Anne kaya nagawa niya ang manakit ng kapwa. Ito rin daw ang naging epekto ng ilang araw niyang “juice diet” sabay laklak ng alak kaya naman agad din siyang nag-sorry sa mga nangyari.

Nakakagulat talaga ang balita dahil unang-una, medyo matagal-tagal na rin naman sa showbiz si Anne, pero ngayon pa lang tayo nakabalita na nasangkot ito sa isang ganito kalaking iskandalo.

Para sa close friends ni Anne, sure sila na hindi ang kanilang kaibigan ang nagsimula ng gulo, lasing man ito o hindi. Naniniwala sila na may mabigat na rason o kung hindi man, may nag-trigger para maging ganu’n kagrabe ang reaksyon nito.

Kung babasahing mabuti ang tweet ni Anne tungkol dito, sinabi niya na may prior incident bago naganap ang gulo, pero ayaw na niya itong idetalye pa dahil ayaw niyang may pangalang masira.

At naniniwala kami kay Anne, kahit sino naman siguro, kahit lasing, hindi ka gagawa ng iskandalo kung walang pinag-ugatan.
Isa si Anne sa may pinaka-wholesome na image sa showbiz.

Ni minsan, hindi natin siya narinig kahit na magsailta ng masama laban sa kapwa artista. Saka, nangyari man iyon, kita nyo naman, mabilis pa ito sa alas-kuwatrong nanghingi ng paumanhin sa mga taong involved – privately – at walang balak magpa-interview o magpasangkot pa ng ibang mga pangalan.

Very gracious ang aktres na aminin ang pagkakamali kung pagkakamali ngang matatawag ang kanyang nagawa. Pero, siyempre, intindihin din dapat ng publiko na bachelorette party ang dinaluhan nito.

Kung uminom man si Anne, understandable dahil isang gabi yon ng kasiyahan para sa kanilang magkakaibigan.Ang mahalaga, alam ni Anne ang kanyang pagkakamali, at nauna siyang nagpakumbaba.

Dapat din siyang hangaan dahil hindi na niya pinatagal pa’t nag-issue na ng (private) at public apology sa kanyang Twitter account. Hindi lahat ng artista, lalo pa’t nasa parehong estado niya ngayon – ang may mababang loob na tulad ni Anne.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending