Willie hatid-sundo ng chopper kapag nagpupunta sa casino? | Bandera

Willie hatid-sundo ng chopper kapag nagpupunta sa casino?

Jobert Sucaldito |November 30,2013
facebook
share this

Willie hatid-sundo ng chopper kapag nagpupunta sa casino?

Jobert Sucaldito - November 30, 2013 - 03:00 AM


PUTOK na putok sa ilang private friends natin ang balitang nagpapatalo ng sobrang laking pera ang dating namamayagpag na TV host-turned entrepreneur na si Willie Revillame sa casino na talaga namang ikinabahala namin.

Mga mayayamang friends namin ang nagsabi na grabe raw kung magpatalo sa casino ang TV host. Malaking halaga raw ang nagagastos nito noong nakaraang Oktubre – umabot daw humigit-kumulang sa P120 million sa loob ng isang buwan lang prompting him to sell his Wil’s Events Place at a nice buy of P200 million with matching one luxury car as bonus.

Siyempre, hindi aamin si Willie Boy sa nasuungang bisyo na siya ring nagpalubog sa mga kabuhayan showcase namin. Ha-hahaha! Itong sugal talaga, kung wala kang control ay talagang mapupurdoy ka.

Kita niyo kami, kahit barya-barya lang ang nilalaro ay sumasakit ang ulo namin pagdating ng bayaran ng bills. Ha-hahaha
“Kung talagang nagsusugal si Willie sa casino, halimbawa sa sinasabi nila sa Solaire Hotel, bakit hindi namin siya nakikita?

Baka naman may mga naninira lang sa kanya?” anang isang fan ni Willie na madalas sa nasabing casino. Ayon naman sa isa naming source, “Alam mo bang chopper ang naghahatid kay Willie sa Solaire?

Hindi siya dumadaan sa regular entrance na dinadaanan natin, meron silang private passage para sa mga VIPs. Pagbaba niya ng chopper niya, he will be guided directly to the VIP room at milyon-milyon ang tayaan doon unlike yung sa atin na P10 lang bawat pindot.

“Ganoon talaga ang madadatung – alaga ng casino. Puwede namang i-deny ito ni Willie, ‘no! Wala namang pumipilit sa kaniyang umamin pero ang sa atin lang, concerned tayo dahil balitang sobrang laki ng naipapatalo niya madalas.

Bihira lang siyang manalo at pag nanalo raw iyan, nagreregalo ng mga LV bags sa mga dealers.  “Pero madalas ngang talo kaya waley. One time nga raw na natalo iyan ng P60 or P65 million ba iyon?

May instance namang natalo ito ng P30 million kaya hindi imposibleng natalo nga siya ng P120 million sa buwan lang ng October. Nahihiya lang siguro siyang umamin kaya idinenay na lang niya.

“Wala naman sa atin iyon eh, pera naman niya iyon. Puro balita na lang ang nakakarating sa atin kaya naaalarma lang. Sana ay itigil na niya ang sobrang sugal hangga’t may time pa.

“Puwede naman siyang magdibersiyon eh, huwag naman sobra. Ano naman ang pakialam natin kung ipatalo niya ang bilyones niya eh pera naman niya iyon. Nakakahinayang lang kumbaga.

“Sana ay merong makapag-advise sa kaniya na bawas-bawasan ang sobrang pagpapatalo. Kungsabagay, sino ang mag-a-advise sa kaniya, si Chavit Singson na numero unong sugarol din.

Di ba iyon ang best friend and buddy niya na for sure ay siya ring nagturo kay Willie sa pagiging high roller. Ha-hahaha!” anag isang kakilala natin na maraming alam basta usapang-sugal.

Nagulat ako sa chikang naka-chopper pa raw talaga si Willie tuwing pumupunta ng casino. Grabe, ‘no! To the highest level na talaga ang leveling ni Willie Boy. Pero alam niyo, psychological talaga ang sugal.

Halimbawa ay natalo ka ng ganitong amount, ang tendency mo talaga ay babawi. Lalo pa sa katayuan ni Willie na marami pa ring pera – maghahabol talaga iyan sa natalo sa kaniya.

Baka kasi makabawi o manalo ng mas malaki sa naipatalo na niya. Pero sana lang ay hindi abutin ni Willie ang maubusan, huwag naman sana. Hindi ko pa nakukuha ang komisyon ko sa kaniya. Charoosss!!!

Someone whispered to me na sa Solaire daw madalas si Willie. Hindi talaga siya makikita ng regular ng sugarol kasi diretso nga siya sa VIP room.

Iyon daw ang iniiwasan ni Willie, ang makita ng public na siya’y nagsusugal. Okay lang yung sila-sila lang sa VIP room ang nagkakaalaman. Big time ang idol natin.

Sana kapag nagkita kami, nanalo siya – malay n’yo! Umasa ba? Ha-hahaha! “Ayokong makita si Willie na bumabalik sa dati niyang buhay, yung panahong wala siya halos malapitan for some help.

Binigyan na siya ng malaking pag-asang mamuhay nang marangya, huwag naman niyang itapon iyon. Piece of advice sa iyo, pareng Willie.

Sama ka na lang sa amin sa McDo area sa Morato, kahit maliit ang random, nakakapag-init din minsan ng ulo pag hindi nagbibigay ng free spins. Okay na tayo sa slot machines – ayoko ng baccarat – very man’s game, di ba?

Pero sabi naman nila, mas may panalo raw sa baccarat dahil dalawa lang ang pagpipilian mo kaysa makipagtunggali kay Crystala. Pero para magpatalo ng hundreds of millions, parang kukombulsyunin na yata ako!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending