SAM gustung-gustong pakainin ng malaking sausage si JESSY | Bandera

SAM gustung-gustong pakainin ng malaking sausage si JESSY

Reggee Bonoan |October 03,2013
facebook
share this

SAM gustung-gustong pakainin ng malaking sausage si JESSY

Reggee Bonoan - October 03, 2013 - 03:00 AM


Excited si Sam Milby sa bago niyang negosyo, ang Prost German Pub sa The Fort Strip na bagong pinagkakaabalahan niya ngayon.

“Madalas ako dito, there was a time like three times a week,” sabi ng aktor sa nakaraang ribbon cutting ng nasabing resto-pub noong Lunes.

Kasosyo si Sam rito sina Dom Hernandez, Stefania Zanirato, Ryan Syjuco, Marc Von Grabowski at Edward Hernandez na pawang mga kaibigan ng aktor.

May isang buwan na raw bukas ang Prost German Pub at noong Lunes lang ito pormal na ini-launch sa media at may mga ilang taga-showbiz na rin ang nakapunta, “Actually, Jan Slater has been here one of my closest friends, John Prats has been here, Jessy (Mendiola), Bea (Alonzo), dito rin nag-birthday si ate Monch (Novales, Star Magic handler), so marami nang mga taga-Star Magic ang pumunta rito.”

Umaabot daw sa 80-100 ang capacity ng resto-pub at kung rerentahan daw ang buong lugar with set menu ay aabutin lang ng P90,000 ang gastos on a weekend at mas mababa naman kapag weekdays, “We’re leveling kasi with our weekends sales kaya 90K,” paliwanag ng partner ni Sam na si Dom.

Nagulat nga kami sa inorder ni Slater na German sausage na sobrang laki kaya tinawag naming “Galema” kasi naman para siyang ahas na nakapaikot sa pinggan. Ha-hahha!

Ang isa raw sa dahilan kaya laging puno ang Prost ay dahil sa iba’t ibang klase ng beer nila na galing mismo sa Germany, “Affordable lang ang prices, per head is P500 with set menu plus one free beer.”

“But of course, we also serve local beers,” salo naman ni Dom kay Sam. Ngayon lang sumosyo si Sam sa restaurant business dahil ‘yung iba niyang pinasukan ay ang pagpo-produce ng shows tulad ng “Pop Icons” concert noonnina Erik Santos, Christian Bautista, Mark Bautista at Piolo Pascual at ang latest ay ang sold out concert nina Bamboo at Yeng Constantino na “By Request” na magkakaroon ng repeat sa Marso 2014.  At album producer din ang aktor ng rapper na si Quest.

Bakit restaurant ang pinili ni Sam, “Actually, niyaya ako nina Dom, I don’t know anything about resto, so I’m learning pa,” sabi ng aktor.

Sabi nga namin kay Sam dapat may alam siya kapag pumasok siya sa isang business, “Yes, knowledge and experience. And because I’m into it, I’m planning to study about (restaurant), online classes or night classes.”

Samantala, more or less ay may konting nalalaman din naman si Sam sa restaurant dahil, “For two and a half years, server ako, waiter ako sa States, so I have that experience sa resto,” kuwento nito.

At dahil buwan ng Oktubre ang pagbubukas ng nasabing resto-pub isasabay na rin nila ito sa Oktoberfest na dinadayo talaga ng mahihihilig sa inuman at may beer drinking contest din daw sila.

Nagkabiruan naman ang ilang TV crew na ang pinaka-malaking sausage raw ang gustung-gustong orderin ni Jessy roon at si Sam daw mismo ang nag-aabot sa dalaga ng kanyang order, “Wala namang particular, basta anything na i-serve gusto naman niya,” sagot kaagad ni Sam na walang malisya.

Samantala, seryoso na ang panliligaw ni Sam kay Jessy dahil parati pala silang lumalabas. Feeling ng aktor, isa siya kina Luis at Clavio na nagkakagusto kay Maria Mercedes?

“Gusto ko siya, of course, I admit first time on TV that I’m making ligaw. Nasa ligaw state pa rin, getting to know each other, two months pa lang and still early. But we’re enjoying the time and we do hang out.

“She is very dedicated to her job and very young. She’s turning 21 pa lang sa December,” papuri ni Sam sa dalaga. Anyway, nahinto ang shooting ng “The Gifted” movie nina Sam, Cristine Reyes at Anne Curtis dahil kailangang tapusin muna ni Direk Chris Martinez ang “Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel” nina Sam at Eugene Domingo na kasali sa 2013 Metro Manila Film Festival dahil may hinahabol silang deadline.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending