HOROSCOPE September 07, 2013 | Bandera

HOROSCOPE September 07, 2013

Madam Sophia |September 07,2013
facebook
share this

HOROSCOPE September 07, 2013

Madam Sophia - September 07, 2013 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Higit sa inaasahan ang makakamit! Sa pinansyal, biglang madodoble ang kita. Sa pag-ibig, sopresa ang magaganap, kakaibang init at sarap ang ipadadama ng kasuyo. Mapalad ang 4, 10, 22, 34, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bhama-Aum-Yoti.” Orange at green ang buenas.  
Aries – (Marso 21-April 19)—  Alalahaning hindi pangmatagalan ang saya at  nauubos din ang pera. Sa pag se-saving higit na mas magiging maligaya ang pamilya. Sa pag-ibig, hangga’t hindi pinapatawad ang  kasuyo, hindi magiging maligaya ang pasko. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Upang wag masayang ang pera wag gumastos sa mga bagay na hindi naman kailangan. Sa negosyong may kaugnayan sa pagkain mas malaking halaga ng kikitain. Sa pag-ibig, wag paki-alaman ang kasuyo magsasawa din yan sa mali niyang ginagawa. Mapalad ang 5, 9, 27, 30, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Blue at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Konsentrasyon ang dapat! Kapag nag-concentrate sa dalwang  bagay lang, pera at seryosong relasyon, uunlad ka na at habang buhay liligaya.  Mapalad ang 5, 14, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-Heh-Vah-Weh.” Gray at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— ‘Wag kang uto-uto. Hindi dapat magtiwala sa mga taong madadaldal! May babala na mara-racket ka na naman. Isipin ng sampong beses bago maglabas ng salapi. Sa pag-ibig, pagbawalan na ang kasuyo na makiipag-transaksyon sa isang Leo. Mapalad ang 3, 15, 23, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Jana-Om-Kaliyuga.” Orange at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—   ‘Wag ng damdamin ang napurnadang relasyon. Maging masaya ka na sa kasalukuyang kasuyo. Sa pinansyal, simulan na ang negosyong nuon mo pa naiisip – kalakal na may kaugnayan sa undas – kandila at mga bulaklak. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Gold at silver ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Lagi maglagay ng old o antique na silver coin sa iyong bulsa o wallet. Ang talismang iyan, ang hahatak ng mas marami pang salapi. Kung reregaluhan ka ng kayuso mo ng silver na alahas, mas lalo kang susuwertehin. Mapalad ang 5, 17, 23, 29, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghoh-Phalah-Goh.” Bukod sa silver ang blue ay buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Malaki ang maitutulong ng isang kaibigang malaki ang tiyan. Siya ang dapat mong lapitan sa suliraning may kaugnayan sa salapi. Sa pag-ibig, sa isang medyo kayumangging nilalang, matatagpuan ang true love. Mapalad ang 4, 14, 26, 31, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Maigate-Om.” Lilac at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—  ‘Wag umasa sa kapalaran! Kung hindi magiisip ng mga bagay na pagkakaperahan paano ka yayaman? Sa pag-ibig, ipaliwanag sa kasuyo na isa lang ang kapalaran ng isang taong matipid at mukhang salapi – ang yumaman. Mapalad ang 5, 18, 23, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bodha-Aum-Dhipana.” Green at violet ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kapag lagi kang tahimik, may babala ng karamdaman. Ang pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan ay mabisang therapy. Sa pag-ibig at pinansyal, wag  pagdamutan ang kasuyo, baka hindi ka na naman nya kibuin. Mapalad ang 2, 16, 19, 21, 26, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Maneh-Om.” Lilac at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Malayo man ang mahal sa buhay, hindi dapat padala sa kalungkutan! Puwede kanamang mag-internet o mag-facebook paminsan-minsan. Sa pag-ibig, iwasang gumawa ng ka-imoralan upang magtuloy-tuloy ang isang buo at masayang pamilya. Mapalad ang 3, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Upanisad-Aum-Jiva.” Red at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—  May bagong pag-ibig na darating habang papalapit na ang All Saints’ Day. Kung ang relasyong mabubuksan ay magdudulot ng kaimoralan, agad mo itong iwasan, –  gastos lang yan! Bukod sa Libra, aakitin ka rin ng isang Sagittarius. Mapalad ang 5, 18, 23, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit”  Gray at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—  Ituloy ang balak na paglalakbay. Pagkakataon mo ng makapag-abroad. Sa pinansyal, sa malayong lugar mas aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, higit na masarap ang romansa pag la-loving-loving sa malayong lugar. Mapalad ang 3, 9, 23, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” Red at blue ang bueanas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending