Horoscope, August 17, 2018 | Bandera

Horoscope, August 17, 2018

Madam Sophia |August 17,2018
facebook
share this

Horoscope, August 17, 2018

Madam Sophia - August 17, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa sandaling nakahawak ng malaking halaga ng salapi magtipid at iwasang gumastos nang gumastos. Sa ganyang paraan, pagkatapos ng iyong kaarawan marami ka pa ring pera na magagamit sa iba pang mga pangangailangan. Ganyan lang ang buhay, kailangang praktikal at mautak ka. Mapalad ang 7, 11, 31, 34, 43 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Buddha-Bhagata-Om.” Green at violet ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Mag-display ng halaman sa loob ng bahay upang mas madaling maakit ang magandang kapalaran. Mga halamang bilugan ang hugis ng dahon ang aakit ng suwerte at maraming pera. Mapalad ang 6, 18, 22, 34, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Om.” Red at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Laging magsuklay at magpaganda. Ang kaakit-akit na hubog ng katawan at kahali-halinang itsura ang aakit ng mas marami pang suwerte at magandang kapalaran, lalo na sa pag-ibig at sa pagkakaperahan. Mapalad ang 6, 15, 21, 30, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Siva-Krisna-Om.” Pink at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Sa negosyo, diskarte at utak at hindi awa ang gamitin upang mas maraming salapi ang kitain. Sa pa-ibig, galingan ang pangungumbinsi sa kasuyong Libra upang madali mo siyang mapa-o sa isang bagay na matagal mo ng binabalak. Mapalad ang 1, 14, 23, 35, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Beeajaa-Om.” Metallic blue at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Kung hindi mo ipipilit ang iyong gusto, paano mo makukumbinsi ang iyong kasuyo sa iyong kagustuhan. Sa pinansyal, basta’t magpatuloy ka lang ay darating din ang malaking halaga ng salapi nang hindi inaasahan. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-Heh-Vau-Weh.” Yellow at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Panatiliin ang maliwanag na sala at kusina. Sa ganyang paraan, maliwanag ang buong kapaligiran; ang masaganang kabuhayan at masarap na pag-ibig ay papasok na ng kusa sa inyong pamilya. Mapalad ang 4, 16, 23, 25, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kali-Homa-Kali-Japa-Om.” Green at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa lipunan matatagpuan ang tunay na kaligayahan. Para dumami ang pera, panahon na upang mamulitika at makiumpok sa mga taon alam mong may malaking maitutulong sa iyo. Sa pag-ibig, sa isang social gathering ang true love ay biglang darating. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shava-Bhuva-Om.” Purple at beige ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Minsan mas magandang magpa-under sa minamahal upang lalong sumarap ang relasyon. Sa pinansyal, tibayan pang lalo ang iyong pananalig, paparating na ang malaking gantimpalang materyal na magbubuhat mismo sa langit. Mapalad ang 6, 19, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vai-Nava-Om.” Purple at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pinansyal, luminga-linga ka lang sa tabi-tabi diyan, may matutuklasan ka ring isang tao na mabibigay sa iyo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, ang kaibigang Cancer o kaya’y Taurus naman ang aalo at tunay na nagmamahal sa iyo. Mapalad ang 7, 9, 16, 27, 33, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Om.” Red at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sama ng loob ang idudulot ng isang makulit na kasama. Kaysa masira ang araw, pagpasensyahan na lang siya. Sa pag-ibig at pinansyal, habang nagpapakumbaba higit ka namang pagpapalain ng tadhana. Mapalad ang 3, 12, 27, 39, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Lilac at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Upang magtuloy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran, magbayad ka ng iyong mga utang. Tandaang ang mga balasubas at manunuba ay hindi pinagpapala ng tadhana. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Aum-Migeta.” Gray at violet ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Panatiliin bukas ang bintana sa silangan. Sa araw na ito iihip ang paborableng hangin, may hahatid ng dagdag na salapi at masarap na romansa. Mapalad ang 4, 19, 22, 32, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Gold at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Wag magtiwala sa mga taong mahusay magsalita at makuwento, malamang na maraket ka na naman. Sa pag-ibig, umiwas sa mga taong madadaldal, mas mainam silang mga walang kibo, sila ang may dalisay at matapat na hangarin. Mapalad ang 2, 7, 19, 25, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dheemari-Gayatri-Om.” Yellow at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending