Bela umaming ‘napraning’ habang ginagawa ang Probinsyano
IBINAHAGI ni Bela Padilla ang personal experience on dealing with her mental health problem sa ikalawang Boy R. Abunda Talks na ginanap sa Seda Vertis Hotel recently.
“Ah, masarap po sa pakiramdam kasi I feel, there’s a purpose why we did this project. I mean there is a purpose why we did this, and reach out to people and tell them that it’s okey to talk about mental health issue, and that, you shouldn’t be afraid to say na pagod na ako.
‘Yung feeling na kai-langan ko ng tulong,” lahad ni Bela.
Ma-raming kwentong ibinahagi si Bela sa mga pinagdaanan niya sa tuwing naka-karamdam siya ng matinding depresyon at kung paano niya ito nalampasan.
Isiniwalat ni Bela na nu’ng ginagawa niya ang seryeng Ang Probinsyano doon siya nakaramdaman that she’s not okay.
“Kapag sasakay ako ng plane, in my mind I was telling myself, this plane is going to crash.
I knew I was going to die. And everyday, every time I would ask my driver to take me to set I was sure you’re gonna hit something or something would go wrong and I was gonna die.
“It was a week of, ‘Sh**t, I’m gonna die. What I’m gonna do about it?’ And I cannot tell anyone because when you hear about it, it’s crazy, you know,” ani Bela.
Sobra siyang naapektuhan ng karakter niya sa Probinsyano bilang si Carmen na asawa ng totoong pulis na karakter ni Coco Martin.
“While I was doing Probinsyano during that days nga I was gonna die, I wrote a script that eventually turned into a movie last year called ‘Last Night.’ And when I look at it now, the whole movie is about death. Two characters who wanted to commit suicide. So, I would never actually, commit suicide.
“I was brought up in a home that was so strict about everything that you can’t even think of dying. Baka sa oras na talagang totoong mamatay na ako in real life, baka pagalitan pa ako ng Mommy ko,” sabay tawa ni Bela.
Devoted member ng Jehova’s Witness ang pamilya ni Bela. Matagal na raw siyang hindi nakaka-attend ng service sa church nila. After telling her story sa 2nd Brats, ready naman siya to let the people know what she went through. At sa totoo lang, masaya naman daw siya ngayon.
“I’m surprised kasi these are mental health stories. So, I just recounted what I went through. I’m not saying that’s what I’m going through right now. Pero ‘yun ang mga pinagdaanan ko. You remember what it is felt like. Kaya siguro the five speakers are emotional also.
“It’s remembering what you went through in life, and ‘yun nga, that’s what we are trying to prevent. Hopefully, when people go through this, when they are emotional, they have somebody there to talk to,” sabi pa ng aktres.
Kung aalukin daw siya ni Kuya Boy na maging permanenteng kabahagi ng BRATS project, papayag agad siya.
“If Tito Boy offers me I would love to be part of BRATS and ako naman lagi, if it is for a good cause, tawagan lang nila ako, nandito lang ako parati,” saad pa ni Bela.
q q q
Usap-usapan sa Kamaynilaan ang pagtakbong muli ni ex-President at Manila Mayor Joseph Estrada sa darating na halalan. Naunang kumalat ang balita na ang panganay na anak niyang si Jinggoy Estrada ang tatakbong Mayor ng Maynila.
Pero maaga pa naman at marami pa ang pwedeng mangyari sa susunod na eleksyon. Ang maugong na tsikang narinig namin ay posibleng gayahin ang ginawang pagpapabagsak kay Erap sa pagpapatalsik daw kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Bunsod daw ito ng mga pahayag ni Digong na wala pang kakayahan si Vice President Leni Robredo na patakbuhin ang bansa. May binubuo raw ang mga kaalayado ni VP Leni na taktika para mapatalsik ang pangulo tulad ng nangyari kay Erap noon.
Kinakalkal na raw ng oposisyon ang economic issues sa administrasyon ni Digong kasama na ang Train law na sinasabing pinakaugat ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin ngayon.
Pero sa kasalukuyan, nananatili pa ring mataas ang kumpyansa ng mga Pilipino kay Digong batay na rin sa huling survey.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.