Barbie Imperial puro pasa ang katawan: Hindi tamang manakit ng babae physically!

By Cristy Fermin July 16,2018
share this

Barbie Imperial puro pasa ang katawan: Hindi tamang manakit ng babae physically!

By Cristy Fermin July 16,2018
share this

HABANG maaga pa, kung meron man siyang kailangang linawin, ay dapat nang mag-isyu ng pahayag ang magandang young actress na si Barbie Imperial kung sino ang pinatututsadahan niyang tao na nanakit sa kanya nang pisikal.

Sa Instagram account kasi ng dalaga ay may naka-post na iba-ibang bahagi ng kanyang katawan na may mga pasa. Mas lumalim pa ang paniniwala ng marami na sinaktan nga siya dahil sa kanyang post na “Hindi tamang manakit ng babae physically!”

Hindi raw ngayon at mahal na mahal ng babae ang kanyang karelasyon ay papayag na siyang saktan nito. Natural, sino ang pagbabalingan ng pagdududa sa mga sinabi ni Barbie, walang iba kundi ang kanyang boyfriend na si Paul Salas.

E, paano kung wala naman palang naganap na pagsasakitan sa kanilang pagitan? Paano kung ang mga pasa palang lumabas sa IG account ng magandang young actress ay nakuha niya sa mga eksena nila ni JM de Guzman na leading man niya sa seryeng Araw Gabi?

Nakakaawa naman ang napagdidiskitahang nanakit sa kanya na umaani ngayon nang sangkatutak na pamba-bash sa social media. Nakakaawa naman si Paul Salas na pinakakain ng apdo at ampalaya ngayon ng mga nagdududang ito nga ang nanakit kay Barbie Imperial.

Iba na ang malinaw kesa sa malabo. Kailangan nang magpakadiretso ni Barbie kung saan nanggaling ang mga pasa niya sa katawan. Panglikod ba ‘yun ng mga camera o nakuha lang niya sa eksena sa kanilang serye ni JM de Guzman?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending