Juliana gagastusin ang retoke package sa pagpapangipin; wala raw balak magpalagay ng boobs | Bandera

Juliana gagastusin ang retoke package sa pagpapangipin; wala raw balak magpalagay ng boobs

Ervin Santiago |July 04,2018
facebook
share this

Juliana gagastusin ang retoke package sa pagpapangipin; wala raw balak magpalagay ng boobs

Ervin Santiago - July 04, 2018 - 12:05 AM

ISA sa mga bonggang premyo na naiuwi ni Juliana Parizcova Segovia bilang Miss Q & A grand winner ay ang Retoke Package worth P500,000.

Ayon kay Juliana, wala naman daw siyang gustong iparetoke sa kanyang mukha o katawan, pero gusto raw niyang magkaroon ng kumpletong ngipin.

“Magpapangipin lang siguro ako, pero ‘yung pustiso lang para pwede pa ring tanggalin. Kasi siyempre, ito (sabay turo sa isang pirasong ngipin) pa rin ang dahilan kung bakit ako minahal ng mga tao, kung bakit may mga projects ako,” ang sabi ni Juliana nang makachika namin pagkatapos makoronahan bilang kauna-unahang Miss Q & A winner sa It’s Showtime last Saturday.

Ganito rin ang isinagot niya nang mainterbyu sa Rated K last Sunday, “Nasa isip ko pa rin po kasi yung mangyayari sa akin after ng finals. So kung magtutuloy-tuloy yung career ko (bilang comedian), eto ganto ko lang siya ime-maintain.”

Sabi pa sa amin ni Juliana, willing din daw siyang i-share ang Retoke Package sa ibang finalists ng Miss Q & A dahil hindi naman daw niya mauubos ang kalahating milyon. Ayon pa sa komedyante, wala rin siyang balak magpalagay ng boobs o magpapalit ng kasarian.

Sobra rin ang pasasalamat ni Juliana sa Showtime at sa Vice Cosmetics ni Vice Ganda dahil sa P1 million cash na napanalunan niya. Matagal na raw kasi niyang gustong bilhan ng bahay ang kanyang pinakamamahal na ina pero kulang pa ang naiipon niya.

“Kasi di ba, medyo matanda na rin ang nanay ko so, gusto ko naman na mabigyan siya ng sariling bahay, yun talagang sa amin. Kasi, naniniwala ako na kahit wala kang pera, basta may bahay ka, madali nang dumiskarte ng makakain,” chika pa ng gay comedian.

Natanong din sa Rated K si Juliana kung paano niya gagamitin ngayon ang kanyang titulo at korona para makatulong sa LGBT community.

“Siguro lalapit na lang po ako sa reyalidad na yun na magiging boses nila ako sa kahit anong contest, laban lang nang laban lalo na sa mga katulad ko na dapat walang atrasan. Believe in yourself,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending