Juliana Segovia level-up ang akting; nakikipagsabayan kina Coco at Susan | Bandera

Juliana Segovia level-up ang akting; nakikipagsabayan kina Coco at Susan

Julie Bonifacio |August 07,2018
facebook
share this

Juliana Segovia level-up ang akting; nakikipagsabayan kina Coco at Susan

Julie Bonifacio - August 07, 2018 - 12:25 AM

LEFT and right na ang TV appearance ng tinanghal na Miss Q & A na si Juliana Pariscova Segovia. Naikot na rin niya lahat ng talk shows sa ABS-CBN and now, level-up na rin siya bilang celebrity.

Ganap nang artista si Juliana when she appeared sa top rating teleserye na Ang Probinsyano ni Coco Martin. Ang nakakaloka, walang takot si Juliana na makaeksena bilang kakumptensya ng isa sa mga movie queen ng Philippine showbiz, ang nag-iisang si Ms. Susan Roces.

And last Saturday, napasabak din si Juliana sa madadramang eksena sa longest drama anthology on TV, ang Maalaala Mo Kaya kung saan tampok ang kanyang life story.

Nakeri naman ni Juliana ang mga eksena niya with heavy-drama acting sa MMK since personal nga niyang narananasan ang mga tagpong yun sa kanyang buhay.

q q q

Ipinagpapasa-Diyos na lang ni Ai Ai delas Alas ang kapalaran niya sa labanan ng Best Actress for her performance in “School Service” na official entry sa 2018 Cinemalaya Film Festival.

Malayung-malayo from her previous roles ang karakter ni Ai Ai sa “School Service.” Say ng director ng “School Service” na si Louie Ignacio, “Ibang-iba si Ai Ai rito kasi kontrabida siya. Masama siya rito. Nagmumura, nananapak ng mga bata.”

Mga veteran and younger actresses ang makakalaban ni Ai Ai for Best Actress sa Cinemalaya. Anybody’s ballgame raw kung sino ang mananalo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending