Payo nina Juliana, Lars at Matmat sa mga beking sasabak sa Miss Q&A 2: Magpakatotoo! | Bandera

Payo nina Juliana, Lars at Matmat sa mga beking sasabak sa Miss Q&A 2: Magpakatotoo!

|August 22,2018
facebook
share this

Payo nina Juliana, Lars at Matmat sa mga beking sasabak sa Miss Q&A 2: Magpakatotoo!

- August 22, 2018 - 12:25 AM

NAGSIMULA na ang second season ng Miss Q And A last Monday sa It’s Showtime at isa nga sa mga hurado ngayon ay ang first ever grand winner ng gay pageant sa noontime show ng ABS-CBN na si Juliana Parizcova Segovia.

Bago nag-start ang labanan, nagbigay muna ng tips si Juliana at ang top 5 finalists ng Miss Q And A na sina Rianne Azares, Matrica Mae Matmat Centino, Marigona Dona Dragusha, Lars Pacheco at Elsa Droga para sa mga susunod na contestants ng pageant.

Sa nakaraang episode ng Magandang Buhay nag-guest ang mga “reyna” ng Miss Q And A at natanong nga sila kung ano ang maipapayo nila sa mga nagnanais na sumali sa gay pageant ng Showtime.

Ayon kay Marigona, basta maniwala ka lang na kaya mo, “Confidence lang talaga, kasi kapag meron kang confidence, magagawa mo lahat. And I thank you.”

Sey naman ni Elsa, “Be proud of being what you are. Naging proud po ako, kahit walang pinag-aralan, kahit sino po. Sa mga bagong sasali, kahit hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral, lumaban ka at maniwala ka sa ‘yong kakayahan. And I, thank you.”

Chika ni Rianne, “You need to be knowledgeable, magbasa, maging updated. Para alam nilang sabayan kung ano ang mga tanong na nangyayari sa lipunan.”

Ito naman ang advice ni Lars, “Para sa akin, ‘itodo’ kasi hindi mo alam kung mananalo ka ‘e. Ang mahalaga tinodo mo, para wala kang pag sisisihan in the end.”

“Just enjoy” naman ang payo ni Matmat. “Kasi ang iba, masyadong sineseryoso kaya ang ending, kinakabahan. Go with the flow, ‘wag masyadong mag-isip. Kasi ang goal ng Miss Q and A, hindi seryoso, bagkus makuha ang makakapagpaligaya sa lahat.”

Para naman sa grand winner na si Juliana, ang susi ay ang pagiging honest at sincere, “Kung sino talaga sila, ‘yun ang ilabas nila, kasi mararamdaman ‘yun ng viewers kung ano ‘yung pinapakita mo. So kapag nakita nilang totoo ang pinapakita mo, you will be unstoppable.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending