Lani apektado sa pagkamatay ng tatay ni Michael Jackson | Bandera

Lani apektado sa pagkamatay ng tatay ni Michael Jackson

|July 03,2018
facebook
share this

Lani apektado sa pagkamatay ng tatay ni Michael Jackson

- July 03, 2018 - 12:45 AM

APEKTADO ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha sa pagkamatay ng tatay ni Michael Jackson na si Joe Jackson.

Ayon kay Lani, buhay na buhay pa rin ang alaala ni Joe Jackson sa kanyang isip dahil parati raw itong nanonood sa kanya noong may regular show pa siya sa Las Vegas.

Sa katunayan, lagi raw nasa front row ng concert venue ang tatay ni Michael. May isang pagkakataon pa raw na nakausap niya ito at sinabing plano niyang isama ang anak para sabay silang manood ng kanyang concert.

“But that was a long time ago, noong may residency pa ako as a performer in Las Vegas. Nakakatuwa naman na he was always there at naa-appreciate niya ang performance ko.

“I had a chance to meet him at sabi nga niya, he wants MJ to see my show. ‘Yun nga lang, hindi na nangyari iyon because Michael died. Tapos heto nga, nabalitaan ko that Joe has also passed away. May his soul rest in peace.

“Actually, may photo kami together. Hahanapin ko para mai-post ko. He was a very nice man and he really appreciates good music,” ang kuwento pa ni Lani sa isang panayam.

Regular nang mapapanood si Lani sa GMA 7 sa bagong singing reality show ng network, ang The Clash. Isa siya sa magiging judges ng progra,a kasama sina Christian Bautista at Ai Ai delas Alas, to be hosted by Regine Velasquez.

Ito ang magsisilbing comeback project ni Lani sa GMA dahil ang huli pa niyang pag-apir sa Kapuso Network ay noon pang 2003, sa S.O.P. at Celebrity Turns.

“Nakakatuwa kasi hindi na ako talaga pinilit ng mga bossing ng GMA na maging part ako ng show na ito. I missed everybody sa GMA-7. I missed working with Regine na nakasama ko for such a long time sa S.O.P.

“They gave me a warm welcome. As if hindi ako nawala nang matagal. Kaya for the duration of the show, mapapanood nila ako rito sa The Clash,” aniya pa.

Magsisimula na ang The Clash sa July 7 sa GMA 7. Makakasama rin dito sina Andre Paras at Joyce Pring bilang mga “clashmates”, sila ang maghahatid ng blow-by-blow accounts ng mga nagaganap sa backstage.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending