Pagtataray ni Susan Roces sa 'FPJ's Ang Probinsyano' ikinatuwa ng madlang pipol | Bandera

Pagtataray ni Susan Roces sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ikinatuwa ng madlang pipol

Ambet Nabus |June 27,2018
facebook
share this

Pagtataray ni Susan Roces sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ikinatuwa ng madlang pipol

Ambet Nabus - June 27, 2018 - 12:20 AM

SUSAN ROCES

MARAMING fans si Manang Inday Susan Roces ang natuwa nang mapanood nilang nagagalit at nakikipagtalo ang karakter nitong si Lola Flora sa role ni Mitch Valdez sa Ang Probinsyano.

Though maiksi lang ang na-turang scene, tuwang-tuwa pa rin ang mga naka-miss sa ganu’ng klase ng pag-arte ng original movie queen.

“More pang mga ganu’ng eksena Lola Flora!” sigaw ng isa sa mga fan na noon pa nagtatanong kung bakit laging malumanay at paladasal na Lola Flora kahit inaapi at nilalait na.

“Orig yatang mataray at palaban iyan, no! Kahit nagdadrama iyan, iba ang ang aura niya pag lumalaban na sa kontrabida!” hirit pa ng isang supporter ni Manang Inday.

q q q

Still on Ms. Susan Roces, muli itong nag-renew ng kontrata bilang brand ambassador ng pinagkakatiwalaan at nangungunang unibranded na gamot sa bansa, ang RiteMED.

“Kami po sa RiteMED ay nagagalak na patuloy ang pagiging parte ni Ms. Susan Roces sa aming advocacy at siya ay nananatiling kinatawan ng brand upang ipaalam sa publiko na mayroon po ta-yong affordable at quality ng gamot para sa bawat Pilipino,” anunsiyo ni Vincent Patrick Guerrero, Ge-neral Manager ng RiteMED.

Dagdag pa ni Guerrero, “Si Ms. Susan Roces ay isang very credible na endorser, maraming mga Filipino consumers ang nakaka-relate sa kanya. Siya ay very caring at motherly kaya naman ang mga mamimili ay may connection sa kanya. Bukod pa diyan, may tiwala ang mga Pilipino sa kanya.”

Pampitong taon na ni Manang Inday as brand ambassador at abangan natin ang isa pang bonggang campaign ad na ilalabas this year. Congrats po Manang Inday!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending