'Dapat nang plasteran ang bunganga ni Mocha!' | Bandera

‘Dapat nang plasteran ang bunganga ni Mocha!’

Cristy Fermin - June 07, 2018 - 12:20 AM

KAPAG sobra na ay kinakalos na. Si Mocha Uson ang nagsimula, si Kris Aquino ang tatapos, sinagad ng dating nagpapaseksing singer-dancer ang pasensiya ng aktres-TV host.

Napakatagal nang kinakalampag ni Mocha ang dating Pangulong Noynoy Aquino. Palibhasa’y tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mocha ay kinakalaban niya ang sinumang kumokontra sa kanyang pangulo.

Pero nagkamali ito sa pambabastos sa mga taong hindi na kayang lumaban, ano ang maisasagot ng mga patay na sa kanyang mga pangungutya?

Napuno si Kris Aquino, anak ng mga itinuturing na bayani ng ating mga kababayan, pinatulan niya ang sobra-sobra nang pangyuyurak ni Mocha Uson sa kanyang mga magulang.

Tinapatan ni Kris si Mocha sa lengguwaheng alam nito, hindi Ingles ang atake ni Kris, naisip siguro niya na baka hindi siya maintindihan ng kanyang kalaban dahil kahit nga ang bulkang Mayon ay hindi alam ni Mocha kung nasaan.

Nakatikim ng bigwas ni Kris ang dating nagpapahalik-nagpapakandong sa kanyang audience sa mga shows ng Mocha Girls. Nakita ni Mocha ang kanyang hinahanap.

Napupuno nga naman ang salop. At kapag sobra na ay kinakalos na. Mga patay ang binabastos ni Mocha Uson. Mga kaluluwang hindi na makapagpapakita para idepensa ang kanilang mga sarili sa pang-uupak ng dating nagpapaseksing singer-dancer.

Ang sabi ng buong bayan, “Buti nga sa iyo, Mocha Uson! Kailangan nang plasteran ang bibig mong walang habas kung makapangutya! Pero nagkamali ka this time, mga patay na ang binabastos mo, kaya kailangan nang dumepensa ang buhay!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending