Ogie Diaz binanatan si Mocha dahil sa ‘kissing video’ ni Ninoy | Bandera

Ogie Diaz binanatan si Mocha dahil sa ‘kissing video’ ni Ninoy

Alex Brosas |June 06,2018
facebook
share this

Ogie Diaz binanatan si Mocha dahil sa ‘kissing video’ ni Ninoy

Alex Brosas - June 06, 2018 - 01:00 AM

OGIE DIAZ AT MOCHA USON

Colleague Ogie Diaz called the attention of Mocha Uson dahil sa pag-post nito ng video ni Ninoy Aquino who was kissed by two women bago pa man siya bumaba ng eroplano.

“Dear MOCHA USON,

“May payo lang ako sa yo…

“Wag mo nang gamiting pang-justify sa paghalik ni Pangulo du’n sa babae yung dating halik ng isang babae noon kay Sen. Ninoy Aquino sa eroplano.

“Kitang-kita mo naman sa video na pinost mo, di nagpaalam yung girl at siya mismo ang nagnakaw ng halik kay Sen. Ninoy.

“Yung kay Pangulo, ibibigay ko na sa yo, ikaw na ang bumasa kung ano ang interpretasyon mo. Gusto mong palabasin, na yung mga taong naglalagay ng malisya sa ginawa ng ating Pangulo sa smack nito sa girl ay mga ‘Dilawan.’

“Konting lawak ng utak, ate. Wag mong isiping yung mga nagalit o nag-react sa ginawa ng ating Pangulo ay mga Dilawan.”

Sa view ni Ogie, walang kalaban-laban si Ninoy dahil, “paano pa maipagtatanggol ni Ninoy ang sarili niya sa akusasyon mo kung sino ang mas malala sa kanila ni Pangulo pagdating sa babae kung patay na yung tao?”

“Ayokong ibalik at i-post na naman ng mga di nakakaintindi sa iyo yung mga dati mong ginagawang pagdukot sa ari ng lalake o pagpapalamas mo ng dede mo pag nagso-show ka. Alam ko, hindi mo gugustuhing mangyari ito kasi alam ng lahat, nagbago ka na. At sana, sa pagbabago mo, wag mo pa ring kalilimutang isa kang BABAE.”

Tama si Ogie. Ano ang isasagot ni Mocha kapag naglabasan na naman ang photos niyang nagpalamas siya ng boobs o nandukot ng ari ng lalaki?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tanong palagi namin, kung marangal ang ginawang iyon ni Mocha, aba, sabihin din nila sa kanilang mga ina, tiyahin, anak na babae o pinsang babae na gayahin ang ginawa ni Mocha.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending