'Nagbago na yata siya ng number, pero sana nga makausap ko siya!' | Bandera

‘Nagbago na yata siya ng number, pero sana nga makausap ko siya!’

Ervin Santiago - June 05, 2018 - 12:15 AM

AMINADO si Piolo Pascual na hirap na hirap siya sa paggawa ng teleserye. Ibang energy level at effort daw kasi ang kailangang ibigay ng isang artista sa soap drama kesa sa pelikula.

In fairness, literal na napapanood sa TV ng pitong araw sa isang linggo si Piolo: meron siyang Since I Found You mula Lunes hanggang Biyernes, Home Sweetie Home every Saturday at ASAP naman tuwing Linggo.

Pero kung si Piolo raw ang masusunod, ayaw na muna niyang gumawa ng serye after SIFY, “Ang hirap talaga mag-soap. Sabi ko last ko na ito, tap out na. Binubuhos ko talaga lahat ng energy ko sa soap na ito so I can focus on other things.

“After this, maybe do a once a week series. Iyon nga, nabigyan ako ng sitcom na hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman hiningi iyon eh,” paliwanag ni Papa P nang makachika ng entertainment press after ng presscon ng My Daily Collagen, ang bagong produkto na kanyang ine-endorse.

Natanong din ang Ultimate Heartthrob tungkol sa success ng sitcom nila ni Toni Gonzaga na Home Sweetie Home at sa balitang pagtanggal nang tuluyan kay John Lloyd Cruz sa programa.

Ayon kay PJ, “Last year when I started, sabi sa akin tatapusin lang daw. Until nabalitaan ko na the ratings were good so okay pa rin naman so sabi ko, yeah. Raket itong Home Sweetie.

“I get to channel the comedic side of me. Dito sa Home Sweetie, ako mismo iyon in a way. Mas nakaka-relax ako,” sey ng aktor.

Happy din si PJ na regular na siya sa show, “May OBB na eh. May credits na, nandu’n na ako. Hindi na guest, regular na ako. Thankful ako because I’ve always wanted to do something like this, once a week, just a breather. I’m able to do something na I enjoy doing.”

Pero mariin niyang sinabi na hindi niya pinalitan si John Lloyd sa HSH, “I’m not replacing to say the least. I’m just an addition to the cast. Nag-change kami ng… not the format, pero nagkaroon kami ng additional cast, si kuya Ogie (Alcasid).

“Dinebelop pa iyong script. We have a new restaurant na kami-kami ang partners nina Toni, kuya Ogie, Rufa Mae (Quinto), kuya Mitoy (Yonting). It’s become more like a family to me,” aniya pa.

Feeling ba niya babalik pa si Lloydie sa sitcom nila? “I have no idea. I don’t have any news about him personally. We don’t stay in touch anymore. I wish, I hope we get to talk soon. Lloydie will always be a friend. He’s a brother.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We started at the same time in this business. He will always be family. Hindi na mawawala iyon. Hanggang katapusan na iyon, hindi magbabago iyon,” sabi pa ng aktor.

Nagpaalam din daw siya kay JLC nang tanggapin niya ang HSH, “I messaged him. I guess he changed numbers, pero nagpasintabi tayo. Hindi natin puwede angkinin ang Home Sweetie. Hindi natin show iyan. It’s for everyone. It’s a family show.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending