Anne nakipag-away sa ex-BF sa loob ng sasakyan | Bandera

Anne nakipag-away sa ex-BF sa loob ng sasakyan

|June 05,2018
facebook
share this

Anne nakipag-away sa ex-BF sa loob ng sasakyan

- June 05, 2018 - 12:01 AM

NAGPASABOG ng good vibes ang magkaibigang Anne Curtis at Vice Ganda last Sunday sa anniversary episode ng Gandang Gabi Vice sa ABS-CBN.

Maraming revelations si Anne sa “LOL Trip” segment ng GGV lalo na tungkol sa kanyang past relationships. Pero ang talagang nagmarka sa panayam ng Unkabogable Star sa kanyang BFF ay ang tanong niya kung na-experience na nito ang makipag-away sa kanyang dyowa sa loob ng kotse.

Diretsong sagot ng TV host-actress, “Madalas, ‘yun talaga. Pero hindi sa asawa ko, sa past exes.”

Pambubuking pa ni Anne, nahuli niya raw ang ex-BF niya na nakikipag-text sa ibang girl, “Ito ‘yung phone, nandiyan (sabay turo kung saan nakaposisyon ang cellphone sa sasakyan), tapos nag pop-up ‘yung pangalan ng babae tapos ‘yun na nga sabi, ‘Where you?’ Sabi ko ‘What is this?'”

Yun daw ang dahilan kung bakit sila nag-away ng guy, “Ayon away talaga sa loob ng kotse. Ang ginawa ko bumaba ako, nag-ano ako, I’m walking, ganu’n!”

Hindi naman binanggit ni Anne kung sino ang guy na tinutukoy niya kaya kanya-kanyang hula ang manonood.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending