11 sasakyan nagkarambola sa Marcelo Fernan Bridge sa Cebu | Bandera

11 sasakyan nagkarambola sa Marcelo Fernan Bridge sa Cebu

|May 28,2018
facebook
share this

11 sasakyan nagkarambola sa Marcelo Fernan Bridge sa Cebu

- May 28, 2018 - 03:29 PM

NAGKARAMBOLA ang 11 sasakyan sa Marcelo Fernan Bridge, na nagkokonekta sa mainland Cebu papuntang Mactan Island, matapos mawalan ng kontrol ang 20-footer prime mover at bumangga sa iba pang mga sasakyan kaninang umaga.

Nangyari ang aksidente ganap na alas-11 ng umaga, na nagdulot ng napakabigat na trapiko sa lugar matapos namang kapwa hindi madaanan ang magkabilang linya ng tulay na hinarangan ng mga nagkarambolang sasakyan, Glenn Antigua, operation chief of the Traffic Enforcement Agency of Mandaue (TEAM).

Idinagdag ni Antigua na isang lane din ang binuksan mga sasakayan papuntang Lapu-Lapu matapos mabangga rin ang isang sasakyan na nagdulot ng bara sa trapiko.

Tanging mga maliliit na sasakyan ang nakadaan sa Mandaue-bound lane, ayon pa kay Antigua.
Nawalan ng kontrol ang 20-footer prime mover habang tumatawid sa tulay papuntang Mandaue, sabi ng mga otoridad.

Binangga ng trak ang sasakyan na nasa harap nito na nagdulot ng domino-effect, kung saan apektado ang siyam pang sasakyan.

Wala namang nasaktan sa pangyayari, bagamat dinala ang ilang bata na sakay ng isang Toyota Innova dahil sa ospital dahil sa trauma.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending