Ellen super yaman kaya hindi takot sa demanda; John Lloyd dedma lang | Bandera

Ellen super yaman kaya hindi takot sa demanda; John Lloyd dedma lang

Ronnie Carrasco III - May 21, 2018 - 12:25 AM

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

TINULUYAN na ng ina ng isang menor de edad si Ellen Adarna dahil sa ipinost nito na umano’y may paglabag sa batas laban sa kanyang anak.

Tatlong kaso ang isinampa ng ina ni Eleila Santos at a Pasig City court: child abuse, cybercrime at libel.

Bunsod ito ng umano’y pamamahiyang ginawa ni Ellen sa 17 anyos na dalaga, na pinaratangan niyang nang-i-stalk sa kanya (sa pamamagitan ng pagkuha ng video sa cellphone) habang kumakain sa isang restaurant.

Itinanggi naman ni Eleila ang paratang, nagkataon lang daw na nahagip ng camera ng kanyang cellphone ang noo’y kumakain na si Ellen.

Nauna rito’y nagbabala na si Gng. Santos seeking a public apology from Ellen, bagay na halatang ipinagwalang-bahala ng aktres.

Sa totoo lang ay matindi ang salitang “stalk.” Karaniwan itong ikinakabit sa isang fan na buntot nang buntot sa kanyang iniidolong artista na higit pa sa paghanga ang pakay. Maaaring peligroso at nasa panganib ang buhay ng artista.

Public figure si Ellen. Sa panahong sikat na sikat sila ng kanyang kasintahang si John Lloyd Cruz ay sino ang hindi makakakilala sa kanya? Maaari pa ngang ma-starstruck ang ordinaryong mamamayan sa kanyang kagandahan sa personal.

Pero sa kaso ni Eleila na noon lang niya nakita nang personal o malapitan si Ellen, we believe it was far from stalking.

Tiyak na may sariling depensa si Ellen. Pero sana’y tumalima siya agad sa hinihinging public apology ni Mrs. Santos yaman din lang na publiko rin ang siyang nakabasa ng kanyang mga ipinost patungkol sa isang minor.

Napahiya ang bata. Ergo, Ellen should undo the damage she has caused upon the girl.

Sana ri’y namagitan na rin si John Lloyd sa kaso dahil sangkot naman dito ang napapabalitang magiging ina ng kanyang anak. Clearly a conjugal concern, mukhang ipinagkibit-balikat din ‘yon ni Lloydie.

Ayaw naming isipin na mataas kasi ang estado sa buhay ni Ellen, thus seemingly undermining the case as a bitter consequence of her act.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At tulad ng karaniwang ina, siguro nama’y kung karapatan at kapakanan na ng anak mo ang nakataya ay gagampanan mo lang ang iyong tungkulin bilang magulang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending