Jack Reid puring-puri si Nadine bilang gf ni James; suportado ang kasal ng JaDine
HANDANG gawin lahat ni Jack Reid para makagawa rin ng sariling pangalan sa mundo ng showbiz tulad ng kuya niyang si James Reid.
Inaasahan na niyang pilit silang ipagkukumpara ni James kaya naman sisikapin daw niyang magkaroon ng sariling marka pagdating sa larangan ng pag-arte, pati na rin sa pagkanta at pagsasayaw. In fairness, may sariling fans na rin ang binata at tinitilian na rin ng mga girls at gays.
Kasama si Jack sa bagong grupo ngayon na pinasisikat ng Viva Artist Agency, ang #FBOIS na bibida sa latest barkada movie na “Squad Goals”. Makakasama niya rito sina Vitto Marquez, Dan Hushcka, Andrew Muhlach at Julian Trono.
“For me, it’s only normal for someone who has a brother in showbiz (na maikumpara). I just use it as motivation and use it to be better I guess,” ani Jack na may kakaiba ring karisma at sex appeal.
“I don’t know, because James did pretty much everything. He did singing, he did dancing, he did acting. I guess the variation of what I did. I guess you can’t completely go to different direction if he did everything,” aniya pa.
Natanong din si Jack sa nakaraang presscon ng “Squad Goals” tungkol sa relasyon ng kuya niyang si James at Nadine Lustre. Sey ng binata, botong-boto siya kay Nadine.
“With Nadine, she’s always been like an older sister kind to me. She’s always there like to talk. She’s a nice girl and funny. It’s like she’s like my second sister,” chika ni Jack.
Isa rin daw siya sa matutuwa kung mauwi man sa kasalan ang relasyon ng JaDine, “Yes, I’ll be supporting him. It’s his choice in life and whatever he does I’ll be here to support him.”
Anyway, showing na ang “Squad Goals” sa May 9, sa direksyon ni Mark Meily under Viva Films. Makakasama rin dito ang #FGIRLS na sina Ella Cruz, Carlyn Ocampo, Aubrey Caraan, Sam Capulong at Victoria Pilapil.
Ang “Squad Goals” ang sinasabing millennial version ng barkada movie ng Viva Films noong 1984, ang “Bagets” nina Aga Muhlach at Herbert Bautista. Ito’y tungkol sa limang binatang college students na naging magkakaibigan sa gitna ng mga kaguluhan na pwedeng magpatalsik sa kanila sa school na kanilang pinapasukan.
Ang Prince of the Dance Floor na si Julian ay gaganap bilang si Benj, Engineering student at isang dance guru; si Vitto ay si Tom, HRM student at varsity team captain at three-time MVP; ang Filipino-German na si Dan ay si Hans, isang mahiyaing music genius na napapabayaan ang pag-aaral dahil sa pagkuha niya ng mga gigs bilang DJ; Andrew plays Nat, ang class clown at best friend ni Tom; at si Jack bilang si Pads, MassCom student na nagtatrabaho bilang part-time bartender.
Alamin kung paano aayusin ng limang magkakaibigan ang gusot na kinasangkutan nila sa eskwela at kung paano nila susuportahan ang isa’t isa sa kanilang mga personal na problema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.