Utol ni James nag-artista na rin
PINASOK na rin ng nakababatang kapatid ni James Reid na si Jack Reid ang showbiz, introducing siya sa documentary film na “Darkroom” produced by Viva Films na mapapanood sa Enero 18 mula sa direksyon ni Pedring Lopez, na siya ring nagdirek sa “Nilalang” ni Cesar Montano.
Hindi itinanggi ni Jack na naengganyo siya sa kasikatan ng kuya niyang si James sa showbiz na kulang na lang ay sabihin niyang kaya nakapagpatayo ng malaking bahay ang aktor ay dahil sa malaking kinikita nito sa kaliwa’t kanan nitong projects.
Habang papalapit si Jack sa entertainment press ay pinagmamasdan namin siya kung magkamukha sila ni James, may konting hawig lang dahil sobrang tisoy ng huli.
Kuwento ni Jack, “I’ve been inspired ever since he won PBB (Pinoy Big Brother). And it was different for me because at least, I have James to help me out if I have any problems.”
Bahagyang nabanggit ni Jack na laking gulat daw nilang pamilya nu’ng nanalo si James sa PBB, “No one did. So, when he did, it was really crazy and insane. It was really eye-opening,” sabi ng binatilyo.
Sa Australia naka-base ang pamilya ni James at siya lang ang narito sa Pilipinas at para makapiling ang mga mahal sa buhay ay nagpagawa siya ng malaking bahay sa eksklusibong subdibisyon para sama-sama na sila.
Isang taon at kalahati na raw dito sina Jack at habang wala siyang ginagawa ay talagang nag-aaral siyang magsalita ng Tagalog.
Okay lang ba kay Jack na ikumpara siya sa kanyang kuya James, “It’s only normal coz I’m his brother.
It happens to everyone, so I don’t really mind,” kaswal nitong sabi.
At ang pinaka-tip daw sa kanya ni James, “He’s given me so much advice but he always just said, ‘be yourself’ coz that’s what he did back when he started out.”
Bukod kay Jack kasama rin sa “Darkroom” sina Ella Cruz, Bret Jackson, Donnalyn Bartolome, AJ Muhlach at Rose Van Ginkel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.