Ryza Cenon wala nang offer sa GMA kaya lilipat na sa ABS-CBN | Bandera

Ryza Cenon wala nang offer sa GMA kaya lilipat na sa ABS-CBN

Reggee Bonoan |April 10,2018
facebook
share this

Ryza Cenon wala nang offer sa GMA kaya lilipat na sa ABS-CBN

Reggee Bonoan - April 10, 2018 - 12:15 AM

RYZA CENON

ISA sa mga araw na ito ay pipirma na ng kontrata sa ABS-CBN ang dating GMA artist na si Ryza Cenon base sa nakuha naming impormasyon.

Ang Viva Artist Agency na ang nagma-manage sa karera ng aktres matapos siyang pumirma ng kontrata rito noong 2017. Ayon kay Ryza, kahit nasa Viva na siya ay mananatili pa rin siya sa GMA 7 dahil tumatanaw siya ng utang na loob sa network. Sa Kapuso station nga naman siya nagsimula bilang Ultimate Female Survivor sa ikawalang season ng Starstruck.

Pero ang tsika sa amin, “Wala na kasing offer sa kanya ang GMA 7 after ng Ika-6 Na Utos. E, siyempre hinanapan siya ng Viva ng work. Timing naman na may bagay na role sa kanya sa ABS, so hayun. It’s time to move on. Alangang mag-stay ka kung wala namang offer, sayang ang panahon.”

Nakatulong din siguro kaya naging interesado ang ABS-CBN kay Ryza na nanalo siya ng Yakushi Pearl Award sa nakaraang 2017 Osaka Film Festival para sa pelikulang “Mr. And Mrs. Cruz” kasama si JC Santos na idinirek naman ni Sigrid Andrea Bernardo mula sa Viva Films at line produced ng IdeaFirst Company.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending