Mark binigyan ng 2nd chance sa ABS, pasok na rin sa ‘Probinsyano’

March 14,2018
share this

Mark binigyan ng 2nd chance sa ABS, pasok na rin sa ‘Probinsyano’

March 14,2018
share this


MAKALIPAS ang 12 taon, muling mapapanood sa ABS-CBN ang kontrobersyal na aktor na si Mark Anthony Fernandez.

Magbabalik-Kapamilya na nga ang dating Kapuso actor at para sa unang proyekto niya sa Dos, makakasama na rin siya sa primetime serye na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Sa kanyang social media account, in-announce ng Dreamscape Entertainment Publicity Head na si Eric John Salut na isa si Mark sa bagong batch ng special guests na mapapanood sa number one serye sa Primetime Bida.

Ito rin ang magsisilbing television comeback ni Mark pakatapos siyang maaresto at makulong noong October, 2016. Nakalabas ng kulungan ang aktor noong December, 2017.

Ang huling programang ginawa ni Mark sa ABS-CBN ay ang Super Inggo noong 2006 kung saan gumanap siyang tatay ng Queen of Hearts na si Kathryn Bernardo.

Sa GMA 7 naman, huli siyang lumabas sa afternoon drama series na Wish I May.

Bukod kay Mark, pasok na rin sa book 3 ng Ang Probinsyano sina Edu Manzano, Alice Dixson, Rowell Santiago at Dawn Zulueta.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending