Tony masama ang loob sa amang si Boom Labrusca?

By Reggee Bonoan March 14,2018
share this

Tony masama ang loob sa amang si Boom Labrusca?

By Reggee Bonoan March 14,2018
share this


NILINAW ni Tony Labrusca na wala siyang sama ng loob sa tatay niyang si Boom Labrusca (asawa ni Desiree del Valle) na nakilala lang niya rito sa Pilipinas noong sumali siya sa Pinoy Boyband Superstar noong 2016.

Sa launching ng 2018 Star Magic Circle new artists kung saan maswerteng napabilang si Tony, natanong ang mga bagets na ipinakilala na may mga magulang na taga-showbiz kung hindi ba sila mahihirapan na baka maging anino lang sila ng mga ito.

Ang sagot ni Tony, “For me, kasi iba ‘yung biological father ko po, hindi po siya sumikat dito sa Pinas, and it’s weird because I wasn’t raised with him (Boom).

“So, when I moved back to the Philippines at sumali ako sa Pinoy Boyband tapos biglang nandoon na si Boom, for me I just took it as a blessing as well kasi si Boom, he’s been in the industry for so long and there’s a lot of things I can learn from it.

“And instead of me na kinukumpara ko ang sarili ko sa kanya, I’ve never even thought of maybe ‘oh, I have to surpass my father,’ kasi this is my lane. All I have to do is to stay on my lane.

“God has the destiny for me, so I just had to make sure that I’m not hurting anybody around me and stay on my lane and there’s nothing wrong with him helping me out because he’s also there to support me kaya instead of thinking of competition or people compare me to my biological father, just be grateful and see what he has to say.

Dagdag pa niya, “Wala po (sama ng loob), actually may kapatid po ako with my biological father at sobrang mahal ko po siya at siya ‘yung naging bridge para sa aming dalawa and you know, growing up with my mother, hindi po siya nagkulang ng pagbibigay ng pagmamahal sa akin.

“So, I never really look for my biological father. So, seeing him now why would I feel the need to be angry,” pahayag ng binata.

Sa Canada lumaki at nagkaisip si Tony kaya hindi na rin niya hinanap si Boom, “My mother and my stepfather gave me enough love and care.

“In Filipino culture, even if it’s not our biological parents, we treat them as our family and you know, family it doesn’t always mean blood, family is trust and love and that’s enough connection with somebody,” katwiran ng binata.

Anyway, sa nasabing launching pa rin ng batch 2018 ng Star Magic ay may usap-usapan na si Tony daw ang magiging leading man ni Liza Soberano sa “Darna” na nagsimula nang mag-shooting.

“Wala pa pong confirmed at all. For me, anything can be changed. Until you sign that contract, you’ll never know. I can’t claim to be part of a movie if I haven’t signed anything,” say ng binata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending