Geoff tinawag na yummy daddy; balik-GMA 7

By Ervin Santiago March 07,2018
share this

Geoff tinawag na yummy daddy; balik-GMA 7

By Ervin Santiago March 07,2018
share this

Larawan mula sa Instagram/ @g_eigenmann_

YUMMY daddy! Yan ang paglalarawan ng mga supporters at social media followers ni Geoff Eigenmann sa pagbalik ng kanyang hunky and chunky body.

Payat na uli ang Kapuso actor nang humarap sa entertainment press sa media conference ng bagong afternoon series ng GMA, ang Contessa na pagbibidahan ni Glaiza de Castro.

Tinanong namin si Geoff kung ano ang ginawa niya para maibalik ang dati niyang katawan, “Honestly I didn’t do anything drastic. I guess you could say it was stress kasi lifestyle changes talaga kami ni Maya (his partner and the mother of their first born Arabella Simone).

“We haven’t been eating red meat. Saka siguro sa first few months in having a baby puro puyat instead of kumain tulog na lang. Bawi sa tulog,” ani Geoff na nagbabalik-GMA nga matapos siyang mapanood sa ilang programa ng ABS-CBN last year.

Kumusta naman ang pagiging tatay, masaya ba? “Yes definitely. Every moment with our daughter, every thing that she does every day even yung mga simpleng mga mukha lang na ginagawa nya sobrang napapasaya niya yung araw na ‘yun.”

May mga adjustments ba siyang ginawa mula nang maging daddy na siya? “Aside from sleep? Maraming adjustments, maraming pagbabagong nangyayari when the baby arrived. Sobrang, even yung understanding sa happenings around me nagbago. Yung papanaw ko sa buhay nagbago talaga.

“Pwede mong sabihin na sobrang iba ako from the person that I was before. Sobrang pagbabago talaga. It couldn’t have happen at the perfect time with the right, ano talaga instigator which is our daughter,” aniya.

“Tsaka, siyempre iba na ang priorities mo. Hindi lang sarili mo ang iniisip mo ngayon. Family na talaga. I’m responsible for two other people and one of them is a newborn child, so iba na talaga,” chika pa ni Geoff.

q q q

Diretso naming tinanong ang aktor kung kay plano na silang magpakasal ni Maya, na kilala rin bilang magaling na singer, “Hindi pa siguro. But it will come. Sa ngayon, our priority is our daughter. We are taking each month one by one. Hindi naman kami nagmamadaling magpakasal, basta ang iniisip namin ngayon kung paano namin mabibigyan ng ng magandang future ang anak namin.”

Hindi rin daw niya pipigilan si Maya kung magdesisyon itong bumalik na sa pagkanta, “Actually, miss na miss na niya (singing), she’s been wanting to pero siyempre mahirap ‘yung responsibility of being a pure breastfed mom. Puwede naman ma-hold off ‘yung work for a while pero she’s been itching to go back.”

Samantala, nagpapasalamat si Geoff sa muling pagtanggap sa kanya ng GMA. Tuwang-tuwa siya nang i-offer sa kanya ang Contessa kung saan gagampanan niya ang karakter ni Gabriel Caballero, isa sa mga leading man ni Glaiza na gaganap naman bilang si Contessa/Beatrice Resureccion.

Kuwento ni Geoff, maraming twists and turns ang kuwento ng Contessa na siguradong ikaka-shock ng manonood, lalo na sa karakter ni Glaiza na gagawin ang lahat para makapaghiganti sa lahat ng mga taong naging sanhi ng kanyang pagkakulong kahit wala siyang kasalanan.

Makakasama rin nila rito sina Gabby Eigenmann, Jak Roberto, Tetchie Agbayani, Chanda Romero, Lauren Young, Mark Herras, Leandro Baldemor, Dominic Roco, Bernadette Allyson at marami pang iba, sa direksyon ni Albert Langitan.

Magsisimula na ito sa March 19 sa Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending