Paolo payag makasama sa pelikula si Vice, pero may sagabal | Bandera

Paolo payag makasama sa pelikula si Vice, pero may sagabal

Ervin Santiago |March 01,2018
facebook
share this

Paolo payag makasama sa pelikula si Vice, pero may sagabal

Ervin Santiago - March 01, 2018 - 12:05 AM

NASA bucket list pala ni Paolo Ballesteros ang makasama sa isang proyekto ang Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Sa huling panayam namin sa TV host-comedian, matagal na niyang gustong makatrabaho si Vice dahil bilib na bilib daw siya sa galing nito sa pagpapatawa.

Ito’y sa kabila nga ng pagiging magkalaban ng kanilang noontime show, nasa Eat Bulaga si Paolo ng GMA 7 habang isa naman sa mga host ng Showtime si Vice sa ABS-CBN.

“Oo naman, why not?” ang mabilis na sagot ng Make-Up Transformation King nang tanungin kung payag siyang makipagtagisan ng pagpapatawa kay Vice sa isang pelikula.

“Magkakilala naman kami personally ni Vice, kaya walang problema kung gumawa kami ng movie in the future,” sey ni Paolo.

Hirit pa niya, “Siguro kapag wala kaming parehong show, kasi paano ‘yun? Paano kami magpo-promote? Parang imposible. Sana kasi kahit sino naman, kasi ang trabaho ay trabaho.”

Uy, palabas na ngayon sa mga sinehan ang latest movie ni Paolo under Viva Films, ang “Amnesia Love” kasama si Yam Concepcion.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending