Mr. Politician pumuposisyon na para 2022 pres’l polls

By Den Macaranas February 28,2018
share this

Mr. Politician pumuposisyon na para 2022 pres’l polls

By Den Macaranas February 28,2018
share this

HABANG nagkakagulo ang oposisyon at ang administrasyon sa iba’t ibang mga isyu ay tahimik lamang na nagmamasid ang isang mambabatas.

Pinakikiramdaman niya ang galaw ng publiko kung saang kampo aayon ang mga isyu.

Gamit ang traditional at online media ay nagagawa niyang sumakay sa iba’t ibang usapin para manatili siyang nakaukit sa isip ng publiko.

Kinumpirma ng ating Cricket na isang negosyante na kaibigan ni Mr. Politician ang nasa likod ngayon ng operasyon ng isang sikat na tabloid.

Ito ang kanyang ginagamit na makinarya para mapalutang ang kanyang pangalan sa ilang mga usapin na dapat niyang sakyan.

Isang sikat rin na trending website ang sinasabing pinamamahalaan ng mga tauhan ni Sir para naman mapalapit ang kanilang amo sa mga netizen.

Sa totoo lang, ayon sa ating Cricket. ay nananatiling option ni Mr. Politician ang pagtakbo bilang pangulo sa 2022.

Hanggang sa ngayon kasi ay wala siyang nakikitang mabigat na contender para sa pinakamataas na pwesto sa gobyerno pagkatapos ng termino ni Pangulong Duterte.

Kung titingnan ang kanyang positioning sa mga isyu ay masasabing pwede siyang maging standard bearer ng administrasyon o kaya naman ay pambato ng oposisyon.

Maganda niyang naipwesto ang kanyang sarili sa pagkakataong hindi halos mabasa ang kanyang mga kilos sa kung ito ba ay para sa oposisyon o sa laro ng administrasyon.

Ang pplitiko na nagsimula nang iposisyon ang kanyang sarili bilang paghahanda sakaling tumakbo siya sa 2022 presidential race ay si Mr. P…as in Pambato.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending