Kapal ng face: Singer-actress nawalan ng raket, isinumpa ng mga concert promoter | Bandera

Kapal ng face: Singer-actress nawalan ng raket, isinumpa ng mga concert promoter

Cristy Fermin |February 17,2018
facebook
share this

Kapal ng face: Singer-actress nawalan ng raket, isinumpa ng mga concert promoter

Cristy Fermin - February 17, 2018 - 12:15 AM


LIGWAK sa listahan ang isang female singer na dapat sana’y dadalhin ng isang kilalang promoter sa isang malayong probinsiya.

Magaling naman siyang mag-perform, maganda rin naman siya, pero may matinding dahilan kung bakit hindi na siya kinukuhang performer ngayon sa mga shows.

May kakaiba kasing ugali ang babaeng singer, magaling siyang sumisid nang pailalim kahit walang tubig, as in manunulot siya. Performer lang siya sa una pero pagbalik niya sa lugar ay siya na mismo ang may dala-dala ng mga artista sa fiesta.

“Nakow, binura na naman siya sa listahan, waley na naman siya, kasi nga, nag-aalala ang promoter na baka sa susunod, e, siya na ang promoter ng show!

“Ugaling-ugali niya kasi ang ganu’n, kalat na kalat na ang ginagawa niya, magaling siyang manulot ng show sa mga promoters! Wala siyang pakialam, pagdating niya sa lugar, ang hinahanap niya agad, e, ang contact person ng promoter!

“‘Yun na ‘yun! Kakausapin niya na ang mga nag-imbita, magbibigayan na sila ng phone number, para kapag nangailangan ng mga artista at singers ang mga tagaroon, e, siya na ang kokontakin!

“Ang galing-galing niya, di ba naman? Isa siyang businesswoman, sinasagasaan niya ang mga promoters na nakatutulong sa kanya sa ngalan ng salapi!” napapailing na kuwento ng aming source.

Maraming beses nang ginagawa ng female singer ang panunulot, ibinabagsak pa nga niya ang presyo niya, makuha lang niya ang transaksiyon.

Kuwento uli ng aming impormante, “Ibinabagsak nga niya ang talent fee niya, pero magkano naman siyang mag-charge sa mga kasamahan niyang performers? Napakataas, kaya bawing-bawi rin niya ang ibinawas niya sa TF niya!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, palaging seksing yaya ang role na ginagampanan niya sa mga sitcom, kaapelyido niya ang isang magaling na aktres na bumibida ngayon sa mga serye ng isang malaking network!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending