Pakilig nina Sharon at Gabby tinalbugan ang mga sikat na young loveteam sa Pinas | Bandera

Pakilig nina Sharon at Gabby tinalbugan ang mga sikat na young loveteam sa Pinas

Jun Nardo |February 10,2018
facebook
share this

Pakilig nina Sharon at Gabby tinalbugan ang mga sikat na young loveteam sa Pinas

Jun Nardo - February 10, 2018 - 12:05 AM


PINATAOB nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang lahat ng loveteams dahil napanatili nila ang bagsik ng kanilang chemistry nang lumabas kahapon ang kanilang TV commercial para sa isang giant food chain!

Aba, umaapaw ang kilig na hatid nila sa bawat eksena na may background pang OPM classic na “Kumusta Ka?” Walang masyadong dayalog pero ramdam na ramdam sa bawat kilos nila ang effortless na pakilig!

Aba, ilang dekada nang hindi nagsasama sa isang proyekto sina Shawie at Gabo pero hindi pa rin kumukupas ang tindi ng kanilang chemistry.

Taong 1992 nang huli silang magsama sa pelikulang “Tayong Dalawa” kaya naman nabuhay muli ang dugo ng kanilang fans na humihiyaw sa tuwa nang mapanood ang TVC ng mga idolo!

Sa kanyang Instagram account, inilabas na ni Sharon ang BTS (behind the scenes) shoot nila ng commercial. Kilig to the max ang gaya nina Lorna Tolentino, Bea Alonzo at inaanak ng Megastar na si Marian Rivera, huh!

Naku, selyuhan na ang reunion movie nina Sharon at Gabby dahil bitin na bitin na sa pagiging abangers ang kanilang fans!

q q q

Nakakairita ang character ni Angelu de Leon sa afternoon series na The Stepdaughters. Napanood namin ang pilot episode ng GMA afternoon series at nakakasuklam talaga ang dating ni Angelu, huh!

Sa kuwento, magkasama sa trabaho sina Allan Paule at Gary Estrada. Si Glydel Mercado ang asawa ni Allan habang si Angelu naman ang misis ni Gary.

Unang bahagi pa lang ng kuwento, inabot na ng indulto ang pamilya nina Allan at Glydel dahil nasunugan sila. Palibhasa’y walang ibang kamag-anak, inako ni Gary na patirahin ang kaibigan at asawa pati na ang anak nilang paglaki ay si Megan Young.

Pero sa halip na maging magaan ang pagtira, nakadagdag pa sa problema nina Glydel at Allan ang pagmamalupit sa kanila ni Angelu.

Ayon sa program manager ng series na si Hazel Abonita, kailangang tutukan ang mga banggaan nina Glydel at Angelu sa kuwento, pati na rin ng mga batang gumaganap bilang sina Katrina Halili at Megan na may kanya-kanya ring tarayan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pramis another GMA afternoon drama to watch ang The Stepdaughters kahit hindi pa lumalabas sina Megan at Katrina sa mga unang episodes.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending