Mark Bautista umamin sa naging ‘relasyon’ sa kaibigang lalaki: Nalasing kami!

By Jun Nardo February 08,2018
share this

Mark Bautista umamin sa naging ‘relasyon’ sa kaibigang lalaki: Nalasing kami!

By Jun Nardo February 08,2018
share this

NGAYON pa lang ay nag-iingay na ang ilalabas na libro ni Mark Bautista na may titulong “Beyond The Mark.” Partikular na pinag-uusapan ngayon ang pag-amin niya tungkol sa pagiging “intimate” nila ng isang kaibigang lalaki.

Bahagi raw ito ng chapter na may title na “FRIENDSHIFT” kung saan tinawag ngang “bromance” ni Mark ang relasyon nila ng nasabing guy.

Ayon daw kay Mark, nag-promise sila ng kanyang friend na hinding-hindi na mauulit ang nangyari ngunit hindi raw nila napigilan ang kanilang mga sarili nang malasing silang dalawa isang gabi. Ito rin daw ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa kanyang friend ang GF nito.

Bahagi ng pag-amin ni Mark, “We then got so drunk that I ended up going home with him. I spent the night in his house and we became intimate.”

Nang malaman daw ito ng GF ng guy, “This started a huge drama between the three of us. It became a spectacle…I kept my silence and allowed myself to be hurt by all the rumors.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending