Horoscope, February 04, 2018 | Bandera

Horoscope, February 04, 2018

Madam Sophia |February 04,2018
facebook
share this

Horoscope, February 04, 2018

Madam Sophia - February 04, 2018 - 03:35 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Bigla ang dating ng suwerte sa pag-ibig at sa pinansyal. Anomang magandang kapalaran ang dumating, hawakan mong mahigpit dahil kapag umarte-arte ka pa, bigla ring mawawala iyan. Mapalad ang 1, 19, 28, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yamuna-Yasoda-Om.” Mapalad ang yellow at blue.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pinansiyal, hindi dapat guluhin ang isipan sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Kapag payapa ang isip mas maraming suwerteng bubuhos, ganoon din naman sa pag-ibig, kapag payapa ang damdamin mas masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 3, 18, 27, 31, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum!” Pink at orange ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Kailangan patawarin ang mga taong nagkasala sa iyo. Kapag marunong kang magpatawad, mas maraming biyaya ang matatanggap. Sa pag-ibig, isang nilalang na naka-kulay red ang may lihim sa iyong pagtingin. Mapalad ang 9, 18, 24, 33 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Factum-Pulcrum-Dominum.” Green at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Sa pagbabago at dagdag na inobasyon, mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, bagong romansa ang kailangang matuklasan, upang uminit ang relasyon habang lumalamig ang panahon. Mapalad ang 5, 14, 22, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om”. Purple at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Upang yumaman, kailangang sumiksik sa kukote mo ang pagiging materyoso. Tandaang hindi nakapagpapayaman ang bait at awa. Sa pag-ibig, hindi dapat kontrahin ang suwesyon ng minamahal. Oohan mo lang siya ng oohan. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Purana-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Iwasang makasakit ng damdamin. Kikita ng malaking halaga kung hindi magiging prangka. Lagyan ng landi at lambing ang pakikipag-usap. Sa pag-ibig, lambingin ang minamahal, i-kiss mo siya sa neck. Mapalad ang 1, 10, 28, 27, 34 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ubur-Minna-Absin-Galla”. Orange at green ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Ito ang tamang panahon upang daigin ang iba. Ituloy ang balak na negosyong may kaugnayan sa modernong teknolohiya at pagkain. Sa pag-ibig, panahon na upang muling pag-alabin ang relasyon, kahit malamig sabay kayong maligo ng kasuyo. Mapalad ang 4, 15, 28, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Red at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Kung muli kang magpapaganda, mas madaling maaakit ang suwerte. Sa pag-ibig, kung maliligo kang lagi, matutukso na naman ang kasuyo na ikaw ay romansahin. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Om.” Violet at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Nasa sariling pagsisikap ang ikauunlad. Wag umasa sa ibang tao. Sa sariling diskarte mas madali kang aasenso. Sa pag-ibig, ang pagtatampo ng kasuyo ay panandalian lamang. Mapalad ang 8, 16, 25, 29, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Cumuntantis-Soliferum-Aum”. Maroon at pink ang mapalad.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag mag-alala, nasa mabuting kalagayan ang minamahal. Imbis na guluhin ang isip sa pag-aalala at pagkabahala, mag-concentrate sa mga bagay na pagkakakitaan. Mapalad ang 6, 15, 21, 29, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Red at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag masyadong maging mahilig sa pagkain, upang hindi tumaba. Mentras sexy kang tingnan mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, iwasang maging chubby upang hindi iwanan ng minamahal. Mapalad ang 8, 15, 24, 33, 42 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Yoan-Govinda”. Pink at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag mong masyadong intindihin ang mga prolema dahil lilipas din yan. At paglumipas na ang iyong mga problema, natural na batas ng kalikasan na maraming suwerte at magagandang kapalaran naman ang kasunod. Mapalad ang 7, 23, 32, 41, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Urbba-Minna-Om”.Yellow at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Hindi talaga uusad ng malakihan ang pag-unlad habang patuloy kang kikonkontra ng iyong kasuyo. Kailangan mo muna siyang kumbinsehin sa iyong mga plano at binabalak bago ka magsimula. Kapag naniwala na sa iyo ang iyong kasuyo, makikita mo sunod-sunod na suwerte at magagandang kapalaran ang kusa ng darating sa inyong buhay. Mapalad ang 2, 11, 29, 34, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Factum-Pulcrum-Dominum-Om.” Green at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending