Promise ni Isabelle: Mas magiging nice na ako sa mga driver!

By Alex Brosas January 13,2018
share this

Promise ni Isabelle: Mas magiging nice na ako sa mga driver!

By Alex Brosas January 13,2018
share this


IT GIRL Isabelle Daza did what is nearly impossible – drive a Grab vehicle.

Yes, Virginia, she’s tried being a Grab driver as she accepted the challenge para sa kanyang “In Real Life” Facebook series.

Nakita namin ang video niya bilang Grab driver. Sa unang scene, kausap niya ang TNVS driver na si Kuya Domingo. Binigyan siya nito ng tips para makakuha ng five-star rating. Sinabi nitong dapat batiin niya agad ang kanyang pasahero.

Actually, struggling mag-drive si Isabelle bacause manual transmission ang gamit niyang kotse. Ilang beses na namatay ang makina bago niya marating ang kanyang first passenger. Tumawag na nga sa kanya ang pasahero dahil nababagalan ito sa kanyang pagdating.

Sa Makati nangyari ang first Grab driving experience ni Isabelle and her first female passenger was shocked to learn that she was driving her to her destination. Nag-usap ang dalawa while Isabelle was driving. Later, nagpa-picture ang female passenger ni Isabelle. Ang aktres pa nga ang kumuha ng selfie photos nila.

‘Yung next passenger niya na male ay gulat na gulat when she introduced herself as Isabelle.

“Isabelle Daza?! No, no. No way! My gosh!” the guy exclaimed in awe. Katulad ng naunang pasahero, nakipagtsikahan din si Isabel sa kanyang male passenger.

Of course, nagpa-selfie din ang male passenger kay Isabelle.

After that, nagpahinga na si Isabelle since ayaw niyang maipit sa rush hour traffic.

“I’m just so happy that this turned out great because my two passengers, they’re pleasant to be with,” say ni Isabelle.

As to what she learned after her Grab driving session, Isabelle said, “Now, I’m definitely gonna be nicer to drivers. That was cool. I really liked it.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending