PBB female housemate ginaya raw si Xander Ford...nagparetoke rin | Bandera

PBB female housemate ginaya raw si Xander Ford…nagparetoke rin

|December 14,2017
facebook
share this

PBB female housemate ginaya raw si Xander Ford…nagparetoke rin

- December 14, 2017 - 12:30 AM


NAGING maingay ang pangalan ng dating PBB housemate na si Miho Nishida sa social media matapos kumalat ang mga bago niyang litrato.

Kitang-kita kasi ang pagkakaiba nito sa dati niyang itsura. Ayon sa ilang netizens, napaka-prominent ngayon ng ilong ni Miho pati na ng kanyang cheekbone, kaya ang hula ng marami nagpa-enhance ang Kapamilya talent.

Sa isang panayam, tinanong si Miho kung sumailalim din ba siya sa plastic surgery tulad ng ginawa kay Xander Ford.

Ito ang naging tugon ni Miho, “Siyempre bilang isang artista para sa akin kung gusto kong lagi tayong maganda. And then happy ako kung ano ang meron sa akin. At mas lalong tumaas yung (confidence) ko.”

Tama naman. Wala namang masama kung magpa-enhance ng kanyang itsura ang isang artista dahil nga mukha ang kanilang puhunan sa kanilang trabaho.

Kayo na ang humusga kung anu-ano nga ba ang mga nabago sa kanyang itsura ngayon. Mas gumanda nga ba si Miho Nishida?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending