Zoren natatakot payagang mag-showbiz si Cassy: Baka maging 'Annabelle Rama' ako!!! | Bandera

Zoren natatakot payagang mag-showbiz si Cassy: Baka maging ‘Annabelle Rama’ ako!!!

Jun Nardo |December 13,2017
facebook
share this

Zoren natatakot payagang mag-showbiz si Cassy: Baka maging ‘Annabelle Rama’ ako!!!

Jun Nardo - December 13, 2017 - 12:30 AM


APRUBADO kay Zoren Legaspi kung sakaling magdesisyon ang kambal na anak na sina Mavy at Cassy sa showbiz. Malaki rin kasi ang pasasalamat ng aktor sa industriya dahil sa pinansyal na tulong na natanggap niya sa breaks na dumating sa kanya.

“Parang nanghihinayang din ako sa opportunity. Maraming nagsasabi na huwag ko nang pag-artistahin. Pero nasasayangan ako sa chance.

“Kung wala naman silang talent, hindi ko ipipilit,” saad ni Zoren nang bisitahin ng press sa set ng GMA afternoon series na Ika-6 Na Utos.

“Ang problema sa akin, ‘yung lalaki, gusto ngayon, next week, ayaw na. Pero parang natatakot siya kasi hindi siya magaling mag-Tagalog. Sabi ko nga, ‘You have to tell me so I can teach you.’

“‘Yung babae kasi, parang ayoko dahil ayokong may makitang may ka-holding hands! Baka bigla akong maging male version ni Annabelle Rama! ‘Yung susugod sa set! Ha! Ha! Ha! Kaya medyo takot ako sa babae ko.

“‘Yung lalaki naman, medyo mabait ‘yon. Go ahead pero ‘yung babae…” rason pa ni Zoren.

Turning 17 na si Mavy at nakikita ng ama na leading man quality ang hitsura nito, “Ang ano lang sa kanila, very sensitive pa. Hindi sila matibay na…kahit ano ang ibato mo. Hindi pa nila alam ‘yung paano haharapin ang intriga,” saad pa niya.

Kapwa nasa GMA Network na ngayon ang mag-asawang Zoren at Carmina Villaroel. Kasama si Mina sa primetime series na Kambal Karibal.

Kahit bagong pasok lang si Zoren sa Ika-6 na Utos, tinanggap niya ang role bilang lover ni Sunshine Dizon dahil gusto niyang makatrabaho si direk Laurice Guillen.

“At the same time, my role sa show is very memorable and also, wala pa akong nagagawang ganito for at least a year and a half. I am very happy to be back doing drama,” pahayag pa ni Zoren.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending