Mudra pinamili: Love life o financial support

By Beth Viaje December 06,2017
share this

Mudra pinamili: Love life o financial support

By Beth Viaje December 06,2017
share this

DEAR Ateng Beth,

May tatanong lang po ako.

Matagal na pong hiwalay ang nanay namin sa mister niya. Hindi po namin tatay, stepdad lang. Patay na po ang tunay naming tatay.

Ang kaso po ay gustong makipagbalikan ng stepfather ko sa kanya dahil nakita niyang asensado na ang nanay namin.

Apat kaming magkakapatid na nagtatrabaho na, at hindi naman po sa pagmamayabang, kaya na naming suportahan ang nanay namin, at mabigay ang maayos na buhay sa kanya.

Ang tingin ko po, kaya lang gusto niyang makipagbalikan sa nanay ko ay dahil sa maganda na ang buhay ni nanay.

Hindi naman siya naging mabuting asawa at ama. Kaya ayaw namin siyang bumalik sa buhay ni nanay, pero si nanay tila gusto niyang balikan. Anong maipapayo mo po?
Susan, Nueva Vizacaya

Dear Susan,

Ay grabe ka, ‘teh! Judger ka? Porke’t mayaman na kayo…
Joke lang!

Siyempre may karapatan naman kayong malaman o masabi kung ano ang mabuti kay mudra.

Well, the best na pwede ninyong gawing magkakapatid ay kausapin munang mabuti si mudra.

Ipaliwanag ninyo sa kanya ‘yung nararamdaman n’yo. At siyempre hindi naman puwedeng one-sided lang, you need to know her feelings as well. Ano ba talaga ang nararamdaman niya for your stepdad?

Kung mapilit siya at talagang in-love pa rin siya sa inyong tatay-tatayan, ibigay ang hilig ni mudra.
In that case, pwede na kayong magbigay sa kanya ng mga kundisyon:

Sasama ka sa asawa mo pero wala ka nang suportang pinansiyal na makukuha sa amin (iyon, ay kung kayang tiisin ng inyong konsensiya?).

Ipaalam n’yo rin ‘yan sa tatay-tatayan ninyo na “Sige magsama kayo pero, kanya-kanyang suporta!” Magkaliwanagan kayo. Puti kung puti, itim kung itim.

Kung sumama si mudra ke love of her life siyempre silip-silipin n’yo naman. Alamin ang kanyang kalagayan.

Wag naman abandonahin. For all you know, talagang liligaya naman pala siya sa feeling ng kanyang husband ngayong nagbalikan na sila.

Learn to accept din ‘yung tatay-tatayan ninyo, especially kung naging remorseful siya sa mga ginawa niya noong mga bata pa kayo. Learn to forgive, nakakagaan kaya ng puso yun!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending