Horoscope, November 23, 2017

By Madam Sophia November 23,2017
share this

Horoscope, November 23, 2017

By Madam Sophia November 23,2017
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Matagal ng nakalaan sa iyo ang pagyaman. At simula ngayon, ito ay unti-unti ng matutupad at magkakatotoo. Mapalad ang 1, 9, 19, 39, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Geroba-Gayatri-Om.” Red at silver ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Kahit na may mga kontrabida na naman sa buhay mo, wag silang intidihin. Ituloy ang naiisip na paraan upang magkapera, sa bandang huli yayaman ka rin. Sa pag-ibig, ano ba ang paki-alam nila ang mahalaga – masaya ka! Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 28, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Agla-Deva-Om.” Pink at gold ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Basta’t magpatuloy ka lang ng magpatuloy sa iyong ginagawa lalong lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, anuman ang balakid sa inyong relasyon, ang pagiibigan nyo pa rin ang mananig sa dakong huli. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 36 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Rama-Om.” Purple at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Ngayon pa lang umpisahan ng mangalakal sa ibat-ibang lugar. Sa ganyang paraan ka yayaman. Sa pag-ibig paghandaan ang pagbabalik ng kasuyo na matagal ding hindi nagparamdam. Mapalad ang 5, 14, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Nulli-Secundus-Aum.” Blue at gray ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Ang sariling pamilya ang dapat asikasuhin bago ang iba! Sa pinansiyal at sa pag-ibig, wag masyadong maging mabait sa mga kaibigan, dapat ka ring maging mabuti sa iyong mga ka-dugo. Mapalad ang 4, 16, 23, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kastha-Raga-Om.” Lilac at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Magiging masaya ang araw kung magpapatuloy ang magandang panahon. Ang kapalaran ng mga Leo ay naka-depende sa sikat ng araw. Kapag ganap ng nagpakita ang araw, tuloy-tuloy na ring uunlad at magiging maligaya. Mapalad ang 1, 19, 29, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jenu-Manu-Jata-Om.” Yellow at orange ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Gumising ng maaga at isulat sa iyong tala-arawan ang mga paraan kung paano magkakapera. Sa pag-ibig, ipaliwanag sa minamahal ang kahalagahan ng pagunlad at kasaganaang pang materyal. Mapalad ang 7, 16, 87, 42, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Varuna-Beeja-Om.” Green at magenta ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Wag magpuyat dahil sa kape-Facebook. Alagaan ang kalusugan, dahil kung magkakasakit ka siguradong malulungkot at hahanap-hanapin ka ng mga mahal mo sa buhay. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyong palaging nangungulit: “Pahinga muna mahal!” Mapalad ang 5, 19, 28, 37, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Pad-Me-Om”. Red at white ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Wag masyadong maging dominante, baka makahalata na ang iyong kasuyo na ikaw lagi ang nasusunod. Minsan mas mainam din ang kunwaring nagpapakumbaba at nagpaparaya. Sa pinansyal, ituloy ang nasimulan ng pag-iipon ng pera. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Vid-Hunan-Vid-Hunan-Om.” Green at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Mapalad ang mga Sagittarius sa mga bagay na kumikislap at ginagamitan ng kuryente. Panahon na upang magsabit ng Christmas light sa inyong bahay. Kapag nagawa mo yan, ang suwerte at magandang kapalaran ay maguuna-unahan ng dumating sa iyong buhay. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Yellow ar red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Tama ang style mong tahimik lang! Sa pinansyal, kahit unti-unti ka ng yumayaman, iwasan ang pagiging maangas upang hindi mautangan. Sa pag-ibig, wag ipahalata ang pagiging sweet ninyo ng iyong kasuyo upang hindi kayo kainggitan. Mapalad ang 6, 18, 21, 24, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Garuda-Arjuna-Om.” Lilac at beige ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag intindihin ang mga karamdamang nasa isip lamang! Panatiliin ang pagiging masaya, upang dumami ang pera. Sa pag-ibig, kulang ka lang sa romansa, kaya ka tumatamlay. Mamaya gabi yayain ang kasuyo. Mapalad ang 4, 10, 19, 23, 28 at 34. Mahiwaga mong mantra: “Homine-Cumuntatus-Om.” Yellow at red ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Wag isentro ang isipan sa sirkulo ng mga kamag-anak at kapamilya. Maaari kang lumabas ng bahay at magpunta sa malayong lugar. Sa ganyang paraan, nilalawakan mo ang iyong mundo, magtatagumpay ka at higit na mas magiging maligaya. Mapalad ang 1, 19, 25, 31, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Green at violet ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending