P89M jackpot ng Ultra Lotto sa Biyernes

By Leifbilly Begas November 15,2017
share this

P89M jackpot ng Ultra Lotto sa Biyernes

By Leifbilly Begas November 15,2017
share this
Inaasahang aabot sa P89 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa Biyernes.
    Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumama sa P86 milyong jackpot sa bola noong Martes ng gabi.
    Walang tumaya sa winning number combination na 11-18-23-10-41-34. Umabot sa P15 milyon ang halaga ng itinaya para sa naturang bola.
    Samantala nanalo naman ng tig-P84,650 ang siyam na mananaya na nakalimang numero. Tig-P1,090 naman ang 549 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 12,026 mananaya na nakatatlong numero.
    Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending