Xander Ford di rin pinatawad sina Liza at Nadine | Bandera

Xander Ford di rin pinatawad sina Liza at Nadine

Reggee Bonoan - October 31, 2017 - 12:10 AM

TRULILI kaya na may “silent ban” laban kay Xander Ford ang ABS-CBN? Ang huling guesting nito ay sa Home Sweetie Home bilang manliligaw ni Miles Ocampo.

Kuwento ng aming source, “Okay naman sana na, nakakaikot na siya sa mga programa sa ABS, e, kaso pumutok ‘yung ‘sakang issue’ kay Kathryn (Bernardo), e, alam naman nating lahat na isa sa prinsesa ng Dos si Kath.”

Bukod pala kay Kathryn ay may sinabi ring hindi maganda si Xander kina Nadine Lustre, Liza Soberano at iba pang sikat na aktres ng Kapamilya Network. Mismong mga kaibigan daw ni Xander ang nagpapakalat nito.

“Isipin mo, bakit siya inilalaglag ng mga kaibigan niya kasi pati sila tinalikuran na ni Xander, hindi na raw sila kilala,” sabi pa ng aming source.

Samantala, tsika naman ng isang katoto sa isang malaking event na dinaluhan namin nitong weekend, napanood niya sa isang video na sobrang pinagkaguluhan si Xander sa isang out of town show kaya siguro claim ng kampo nito ay super sikat na nga ang alaga nilang retokado.

Sabihin na nating sikat na si Xander, kung hindi naman na siya makakatuntong sa ABS-CBN kung saan una siyang napanood (sa Rated K)? Ano na ang next project niya o saan pa siya ulit mapapanood?

Sabagay, marami pa namang TV networks bukod sa ABS-CBN baka naman interesado pa sa kanya.
At heto pa bossing Ervin, naglabas din ng video si Xander na ipinapakita niyang nagbibilang siya ng lilibuhing pera at sabay ipinantakip sa mukha niya.

Sana lang gamitin ni Xander sa tamang paraan ang mga kinikita niya ngayon dahil hindi araw-araw ay Pasko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending