Young actor hindi naliligo araw-araw kaya may kakaibang amoy

By Jobert Sucaldito October 13,2017
share this

Young actor hindi naliligo araw-araw kaya may kakaibang amoy

By Jobert Sucaldito October 13,2017
share this

Nakakaloka ang kuwento ng ilang sources natin tungkol sa isang super-crush kong young actor. Dahil hindi siya madalas maligo ay nagkaroon na siya ng “amoy”.

Natawa naman akong bigla sa chika about my super-love na ilusyon. Sikat pa naman kaya paano natitiis ng mga kasama niya ang kanyang amoy niya? Madalas pa naman siyang nasa audience.

“Sanay na kami. Ha! Ha! Ha! Sanayan lang iyan,” sabi ng isang close friend ni young actor.

Kasi naman, hindi raw kaugalian masyado sa bansang pinanggalingan niya ang madalas maligo dahil iba ang klima roon. Malamig doon kaya karamihan sa kanila ay minsan lang mapatakan ng water. Unlike dito sa atin, dahil tropical country ito kaya medyo mainit.

Hindi puwedeng di ka maligo araw-araw rito dahil feeling mo nangangati ka. Hoy, hindi kating kaelyahan ha, yung tunay na nangangati ka pag feeling mo di ka malinis.

Sabi ko naman sa friend kong nagkuwento sa akin tungkol sa medyo may amoy daw ang crush ko, oks lang sa akin. Pagtitiyagaan ko na lang basta mapasaakin lang siya. Ha! Ha! Ha! Tuturuan ko siyang maligo araw-araw. Kung gusto niya, ako pa ang magpaligo sa kaniya. Ha! Ha! Ha! Ilusyunada!!!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending