Luis ayaw na raw makatrabaho si Angel sa Pilipinas Got Talent? | Bandera

Luis ayaw na raw makatrabaho si Angel sa Pilipinas Got Talent?

Reggee Bonoan |September 12,2017
facebook
share this

Luis ayaw na raw makatrabaho si Angel sa Pilipinas Got Talent?

Reggee Bonoan - September 12, 2017 - 12:01 AM


MAY bago na namang reality show ang ABS-CBN na ngayong hapon ang press launch, ang I Can See Your Voice na franchise mula sa Korea. Magsisimula na ito sa Set. 16, Sabado at mapapanood din tuwing Linggo, 9:30 p.m..

Mukhang mabenta ang I Can See Your Voice na iho-host ni Luis Manzano dahil patok din ang programang ito sa Taiwan, Indonesia at Vietnam base na rin sa nabasa namin sa kanilang Facebook account.

Mga celebrity singer ang manghuhula habang ang mga contestant naman ay mga ordinaryong tao.
Bale mauuna munang ipalabas itong I Can See Your Voice bago ang much awaited na pagbabalik ng Pilipinas Got Talent na sa susunod na taon na eere, ayon sa a-ming source dahil hindi pa tapos ang audition nito.

Ang tanong, sagutin kaya ni Luis sa presscon ng I Can See Your Voice ang mga naglabasang balita na ayaw na raw niyang makatrabaho ang ex-girlfriend niyang si Angel Locsin dahil kay Jessy Mendiola?

Aalamin din namin kung totoong tinanggal na nga ang aktres sa Pilipinas Got Talent bilang isa sa judges kung saan kasama pa rin sina Freddie Garcia, Vice Ganda at Robin Padilla.

Hmmmm, sinu-sino naman kaya ang mga celebrity singer na kasali sa I Can See Your Voice na kakanta ng sintunado at huhulaan ng contestants?

Ang I Can See You Voice ay mula sa unit ng ASAP ni Joyce Liquicia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending