Sofia, Diego naghiwalay na raw; Maris nag-sorry sa Sofiego fans | Bandera

Sofia, Diego naghiwalay na raw; Maris nag-sorry sa Sofiego fans

Reggee Bonoan |August 25,2017
facebook
share this

Sofia, Diego naghiwalay na raw; Maris nag-sorry sa Sofiego fans

Reggee Bonoan - August 25, 2017 - 12:05 AM

DIEGO LOYZAGA AT SOFIA ANDRES

HALA, totoo ngang hiwalay na sina Diego Loyzaga at Sofia Andres base na rin sa naging pahayag ng kaibigan ng aktor na si Maris Racal.

Nitong Agosto 19 lang namin isinulat dito sa BANDERA na may problema ang mga bida ng Pusong Ligaw na sina Diego at Sofia na gumaganap bilang sina Potpot at Vida sa kanilang serye. Ito’y base na rin sa obserbasyon ng kanilang social media followers.

Nasulat din namin na nabanggit ang pangalan ni Maris na posibleng may kinalaman sa problema nina Sofia at Diego dahil nga panay ang puri ng aktor sa dalaga sa kanyang mga post.

Dahil dito ay bina-bash na nang husto si Maris dahil siya raw ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Diego at Sofia.

Base sa panayam ng katotong Melba Llanera kay Maris sa set ng ASAP ay inamin nitong nasasaktan siya sa mga nangyari at sa pagkakaturong siya ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawang Kapamilya stars.

Kuwento ni Maris, “Genuine friendship lang talaga yung mayroon kami ni Diego. Walang special something. Sobrang tropa talaga kami, and kami din naman ni Sofia.

“Nalulungkot ako sa mga headlines na nababasa sa diyaryo, sa mga fans, kasi bine-blame nila ako sa mga nangyari,” ang pahayag ni Maris.

Inamin din ng dalaga na tinanong niya nang diretso si Diego tungkol sa kanila ni Sofia, “Tinanong ko siya, ‘Oy, ano ang nangyari?’ Sabi niya, ‘Di ko alam, bigla na lang.’ Siguro personal problem na lang nila.
“Nasa picture lang ako, kasi ako yung mas close, tapos babae pa. Typical na iniisip ng tao. But to clear this thing, wala talaga. Tsaka, break ba talaga? Di ko alam, personal nila yun. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa taping, kung okay ba sila o hindi,” paliwanag pa ng dalaga.

 

***

Naikuwento rin ni Maris kay Diego na nasasabit siya sa gulo nila ni Sofia.

“Ganu’n kami ka-open, ‘O, Diegs, bakit ganun? Bakit nasali ako?’ Sabi niya, ‘Oo nga, e, di ko alam.’ Pero tinatawanan na lang namin yang mga ganyang balita. May mga namba-bash, pero mas maraming mas okay naman,” dagdag ni Maris.

“May mga tao talaga na di ma-gets kung ano yung totoong friendship and friendship na may something.

Kami ni Diego, super friends lang talaga,” paniniguro ng aktres.

Halimbawang manligaw si Diego kay Maris, may pag-asa ba ang binata? “Ay, hindi ko alam sa kanya, friends lang talaga kami! Ang awkward lang. Develop? Di ko alam, pero ngayon, I’m sure talaga na friends lang kami,” diin niya.

At kahit walang kinalaman si Maris sa nangyaring hiwalayan ay nagbigay pa rin ng pahayag ang dalaga sa followers nina Diego at Sofia.

“Gusto kong mag-sorry sa gulong nangyayari. Kung anuman yung problem na pine-face ninyo sa idols ninyo, sana hindi ninyo masyadong isipin. Isipin ninyo na lang na may work sila together. Kung gusto ninyong magtuluy-tuloy sila, please suportahan ninyo sila,” pahayag ng aktres.

E, teka bakit kailangang mag-sorry kung wala naman pala siyang kinalaman?

Anyway, bilib kami sa propesyunalismo nina Diego at Sofia dahil hindi apektado ang working relationship nila sa set ng Pusong Ligaw base na rin sa mga sinasabi ng taga-production, hindi raw nakikitaan ang dalawa na ayaw nilang makaeksena ang isa’t isa.

“Hindi lang sila nagkikibuan after the scenes unlike before na magkasama sila lagi,” sabi sa amin ng isa pang source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baka naman tampong-pururot  lang ang namamagitan ngayon sa mga bituin ng Pusong Ligaw at darating din ang araw na magkakaayos sila. Wala naman talagang perfect na relasyon sa mundo, di ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending